Sunday , December 22 2024

Kuwestiyonableng pagpili ng “Employees of the Year” sa Pasay City

SA tuwing sasapit ang unang linggo ng buwan ng Disyembre, idinaraos ang Araw ng Pasay, 2 Disyembre  ang itinakdang araw ng Pasay. Ngunit sa rami ng activities, hindi kakayanin nang isang araw ang selebrasyon.

Sa 3 Disyembre gaganapin ang awarding ng mga napiling “Employee of the Year.” Tila apat na mga empleyado ang napili sa isinagawang deliberasyon na mula sa iba’t ibang departamento.

Teka, bakit may kumukuwestiyon sa napili? Bakit daw may napiling mula sa Engineering Department na ang tanging kontribusyon ay nag-set up lamang ng mga tent sa panahon ng CoVid-19 para sa mga pasyente? Ano ba talaga ang criteria sa pagpili? Mabuti at may napiling dalawang health workers mula sa tanggapan ng City Health Office at isa mula sa tanggapan ng Reduction Risk Management Office.

Pinapalakpakan ng lahat pero kuwestiyonable, ayon sa ang aking mga sources sa Engineering dep’t na ayon sa kanila ay mas may karapat-dapat.

Take note ha… sa deliberasyon ay nakakuha pa ng 100 percent ang Engineering Department!

Sana walang favoratism o popularity ang pagpili, isinulat ko ito dahil maraming emple­yado ang nag­tataka, gayong sa panahon ng pandemic na nagsimula sa first quarter ng taon 2020, halos skeletal na ang pasok ng mga empleyado at ang nakikita nating nagtatrabaho ay pawang health workers at ibang frontliners mula sa iba’t ibang departamento.

Hopefully, walang personalan sa mga pumili para sa Employee of the Year!

Pero mayroon naman daw EMI mga service award na pagkakalooban siguro, ito ‘yung mga departamento na nagtatrabaho nang husto!

Iyong mga kumukuwestiyon sa pagpili mula sa empleyado ng Engineering Department, congrats! Lalo kang sisikat kung ikaw nga ay karapat-dapat na mapili. Sa mga hindi napili better luck next time! Weather- weather lang ‘yan!

Teka… bakit kaya hindi kasama ang Public Information Office sa napili… wala yatang entry.

MAHAL ANG PASAHE SA PARAÑAQUE CITY

Dahil ipinagbawal sa mga sasakyang pampubliko ang dikit-dikit sa loob ng sasakyan, pinayagan na bumiyahe ang mga UV express na may rutang Sucat-Baclaran-Lawton, susmaryosep! Ang taas ng pasahe, doble! Kung ang dating pasahe sa iyong pinanggalingan ay trenta pesos, magiging P60 ito. At kung kuwarenta ay magiging otsenta pesos.

Samantala, ang jeepney drivers ay walang pagtaas na ginawa. Ang normal na P9 ay hindi nagbago

Maging sa tricycle patungong city hall, ang dating pasahe na otso pesos ngayon ay trese pesos gayong tatlong pasahero ang nakasakay, isa sa likuran, isa sa harapan at isang naka-back ride sa driver.

Mas higit na kaawa-awa ang jeepney drivers na walang pagtaas na ginawa sa pasahe at subsob sa maghapong pamamasada, may maiuwi lamang na pangkain ng pamilya.

Itong mga suwapang na UV Express mga ganid! Pati na ang mga tricycle driver papunta sa City Hall ng lungsod ng Parañaque!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *