Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joed Serrano, Ninong ng mga baguhan

SI Godfather. Joed.

Akma lang na ito ang maging pangalan ng kanyang produksiyon.

Dahil para nga siyang Ninong na nagbibigay-biyaya sa mga nilalang na ninanais pa niyang tulungan sa pamamagitan ng mga pelikulang ipino-prodyus niya at sasalangan nila.

At kasama ng pagpapaalala na sa kanila sa mga proyekto, hindi pa nagkukulang si Joed Serrano sa pagtuturo sa kanila sa pagsusubi ng mga kita nila at unahing maging goal ang makabili ng bahay.

Kaya ko rin naisip na pwede ko rin silang kunin para maging partner ko sa business, dito nga sa mga pelikulang kasama naman sila. Dahil pangmatagalan na rin itong magiging pag-aalaga ng Godfather Productions sa kanila. Para sa mga kinabukasan nila.

After nitong ‘Anak ng Macho Dancer,’ sinimulan na rin ang life story ko. Pinaplano na rin ang ‘Mga Batang Tondo.’ Kaya sila ring lima ang magiging mga bida rito. Sa ‘Anak…’ si Sean. Sa ‘Dukot King,’ si Mico naman.

Kung ito na ang new normal natin sa pagpapalaganap ng pelikula at panonood, siguro ang P300 mo eh reasonable na. Kasi marami naman kayong makakapanood na adults sa pamilya. Kung ako, I’d rather watch by myself. Concentrated pa ako. Kahit nakahubad ako…

Nire-ready na rin ‘yung ‘Huling Sayaw ng Burlesk Queen.’ May ‘Super Pogi’ pa.  Para sa first Godfather talent na si Clark. Then, there’s ‘The Husband,’ parang ‘Legal Wife.’”

Umaandar ng todo ang utak ni Joed sa panahon ng pandemya. Maya’t mayang may konseptong nabubuo at agad naman niyang naibabato sa kanyang writers and staff.

Kaysa naman ma-bore lang ako sa bahay, itinutuloy ko lang ang pagiging productive ng malaro kong utak. Nawala ang concert scene. ‘Yun sana tayo. Kaya tulog ang pera ko riyan. Kasi, nakapag-full payment na ako sa ilan. Pero once na umayos ang lahat, itutuloy ‘yun. Kaya, hindi ako nagka-cancel. April 6 and 7 dapat si Alanis. Baka December 7 and 8 2021 na. Walang choice. But to wait.

“Ang pasalamat ko naman dyan, ‘yung ma-recognize at mabigyan pa ako ng parangal as a concert producer. Hindi ko alam ang criteria pero gusto kong isipin na maybe it’s because nakakapag-produce ako both ng local and international concerts. Alanis Morissette.  Sarah G. Vice Ganda. After ko, at saka nag-Vice si Boss Vic (del Rosario). Kung ‘yun ang pagbabasehan. Doon siguro ako may lamang.”

Sa linggong ito, ilulunsad ni Joed ang kanyang Monay.

Isa pang pelikula. Kaliwa’t kanan. Saan ka pa?!

Kaya tutukan na ang mga pangalang Miko Pasamonte, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales at marami pa… Ang mga alaga ni Ninong!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …