Saturday , November 23 2024

Dagdag-bawas sa infra fund isapubliko

ISINUSULONG ngayon ni Taguig Rep. at dating House Speaker Alan Peter Cayetano na maisiwalat sa publiko ang kontrobersiyal na dagdag-bawas sa infra fund ng mga kongresista na nakapaloob sa 2021 National Budget. Nais ni Cayetano na maisapubliko ito bago aprobahan ng bicameral committee ang pambansang budget para sa susunod na taon.

Nais ni Cayetano na mabulgar kung sino ang mga nabawasan ng budget at kung sino naman ang mga nadagdagan.

Oo nga naman, agree ang sambayanan dito dahil ayon nga kay Cayetano dapat magkaalaman kung sino ang mga nakinabang at nabawasan sa dagdag-bawas scheme na ito para maiwasan ang batuhan ng putik at maging malinaw sa lahat kung totoo o hindi ang akusasyon ni Senador Panfilo “Ping” Lacson lalo ang tungkol sa paglobo ng infra budget ng ilang kongresista.

Kasi kung hindi ito maaagapan, aba’y bulagaan na naman ang mangyayari sa atin at posible pa itong i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaan na ipinagbawal ni Cayetano noong speaker pa siya ang pagkakaroon ng parking funds sa 2020 National Budget kaya maraming caucus ang ipinatupad ng kamara tungkol dito. Binigyan diin kasi ng house leadership noon na walang takipan sa mahuhuli na nagkaroon ng parking funds sa budget.

Unang ibinulgar ni Lacson na aabot sa P620 milyon hanggang P15 bilyon ang infra fund ng mga kongresista lalo na ang mga ‘barkada’ ni Speaker Lord Allan Velasco. Tahasang sinabi ni Lacson na hindi aksiyon ng isang lider ang ipinakitang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantala kitang-kita ang ‘paglaglag’ sa mga kongresista na kaanib ng dating speaker.

Sinabi ni Lacson, mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista, halimbawa ang P15.351 bilyon sa isang distrito kompara sa P620-M sa ilan. Kaya naman ipinangako ng senador na haharangin niya sa bicam ang tinukoy niyang dagdag-bawas.

Kahit naman pagbali-baliktarin, hindi maitatanggi na naimpluwensiyahan ang alokasyong ng budget ng mga kongresista dahil sa nangyaring pagpapalit ng liderato sa kamara. Lalo sa mga lumutang na balita na aabot ng P300 milyon hanggang P1 bilyon ang naging kapalit ng suporta ng mga kongresista kay Velasco bukod pa sa pagkopo sa matataas na posisyon sa kamara.

Mukhang tama ang pahayag ni Cayetano sa isang media interview, ang pagsisiwalat sa publiko ng dagdag-bawas sa infra fund ng mga solon ay pagsiguro na walang unconstitutional amendments na maaaprobahan ang bicameral committee.

Magbibigay din ito ng pagkakataon lalo sa mga taga-media na i-report ang misteryo sa infra fund para sa kapakanan ng taong bayan. Ano kaya ang mangyayari sa Kamara pagkatapos nito? Sayang ang pinakamataas na nakuhang trust rating ng kamara sa SWS at Pulse Asia sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng kamara na naitala ng liderato ni Cayetano.

Sa ngayon, kapansin-pansin ang pananahimik ng kampo ni Velasco tungkol sa isyung dagdag-bawas. Tanging mga alipores lamang niya sa kamara ang sumasangga at dumedepensa sa kaliwa’t kanang bigwas ni Lacson tungkol sa infra fund.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *