Sunday , December 22 2024

Anak ng Bayan Muna solon, patay sa military encounter

MAKATUWIRAN ang kanyang ipinaglalaban,

Pahayag ito ni Bayan Muna Rep. Eufemina Cullamat sa pagkamatay ng kanyang 22-anyos anak na sinabing miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang military encounter sa Barangay San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur.

“Naniniwala ako na makatuwiran ang kaniyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga lumad at katutubo at para magkaroon din ng maka­turangang lipunan,” pahayag ni Cullamat sa pagpanaw ng anak na si Jevilyn.

“Si Jevilyn ay nasa wastong gulang na at kaya niyang magdesisyon para sa kaniyang sarili. Naniniwala ako na makatuwiran ang kaniyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga lumad at katutubo at para magkaroon din ng makaturangang lipu­nan,” dagdag niya.

Batay sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot sa 45 minuto ang sagupaan ng Philippine Army 3rd Special Forces Battalion (3SFBn) laban sa tinatayang 30 kasapi ng NPA SYP Platoon, Guerilla Force 19 sa ilalim ng liderato ni Ka Coby, o Marion Himo, Jr.

Nang umatras umano ang mga rebelde ay naiwan ang wala nang buhay na si Jevilyn, bunsong anak ni Cullamat na nagsilbi umanong medic sa naturang grupo.

Sa pahayag ng militar, positibong kinilala ng mga dating kasamahan at pamilya si Jevilyn.

“Walang kapantay ang aking dalamhati sa ‘pagpatay’ ng militar sa aking anak na si Jevilyn. Dumagdag ang dugo ng aking anak sa libong kalumaran na nagpatak ng dugo sa lupa para sa kalayaan at laban sa historikong pang-aapi sa aming hanay,” ani Cullamat.

“Alam ko na gagamitin ng militar ang kanilang pagpatay sa aking anak para lalo pang  maglubid ng kasinungalingan laban sa Bayan Muna at Makabayan bloc pero naninindigan kami sa katotohanan at ‘di malulutas ng kanilang mga boladas at kasi­nungalingan ang ugat ng mga problema ng bansa,” giit niya.

Kasalukuyang nag­sa­sagawa ng imbesti­gasyon ang Senado kaugnay sa red-tagging ng admi­nistrasyong Duterte sa mga miyem­bro ng Makabayan bloc ng Mababang Kapu­lungan at iba pang progresibong grupo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *