“I’M proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan.” Ito ang nawika ni Kathryn Bernardo nang malamang inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulacan na roon itatayo ang Manila International Airport project.
“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” sabi pa ni Kathryn na may 11 alagang aso.
Mabilis na umaksiyon ang SMC nang malamang 70 aso ang naiwan sa Barangay Taliptip. Agad din silang nagpadala ng Nutrichunks dog food para mapakain agad mapakain ang mga aso.
At sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), 53 aso na ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.
Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin bago sila ihanap ng mga mag-aampon.
Nauna nang pinasalamatan ni Kathryn, endorser ng Nutrichunks dog food, Magnolia Ice Cream, at San Mig Coffee Crema White ang SMC, na pinamumunuan ng presidente at chief operating officer nitong si Ramon S. Ang nang magsagawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.
Ani Kathryn, mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Filipino lalo’t nagka-pandemya dulot ng Covid-19.
Maliban sa relokasyon ng mga taga-Taliptip mas, matibay at maayos na bahay ay nagpa-training ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA).
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio