Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Daigdig Ko’y Ikaw ng net25, simula na bukas (Geoff Eigenmann at Ynna Asistio, may chemistry)  

MAGSISIMULA na bukas (Saturday, Nov. 28, 8pm) ang pag-ere ng unang romantic drama series ng Net25 na pinamagatang Ang Daigdig Ko’y Ikaw.

Tampok dito sina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann.

Ang serye ay iikot kina Reina (Ynna) at Romer (Geoff). Si Romer ay isang seaman na bumalik sa Filipinas para magbakasyon at pansamantalang magtatrabaho bilang bellboy sa isang hotel. Si Reina naman ang anak ng may-ari ng hotel kung saan nagtatrabaho si Romer.

Kahit may hadlang sa kanilang pagmamahalan, sina Romer at Reina ay nag-reunite upang palayain ang kanilang mga sarili sa nakalipas at ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

Ayon kay Geoff may instance na medyo nahirapan silang magkaintindihan sa taping dahil sa face mask na kanilang suot, pero nasanay din daw sila katagalan.

Pahayag ng tisoy na aktor, “If there were any adjustments naman na nangyari sa amin it would just be the protocols that we took before taping. And one taping in some ano, parang medyo mahirap magkaintindihan with the mask on, especially if you’re not used to it.

“Pero after a few days, nagkasanayan din kami, nagagawa pa rin naming masaya pa rin ‘yung trabaho namin,” wika ni Geoff.

Sambit naman ni Ynna, “Napakagaang katrabaho ni Geoff. As in, hindi ako nahirapan.”

Aminado ang aktres na noong una ay hindi sila close ni Geoff, kaya masaya siya na naging maayos ang work nila.

“Working with Geoff, kasi nagkasama na kami before sa GMA-7 sa Party Pilipinas, so casual kumbaga, nagkikita na kami before. But this time kasi it’s super different, we were all together for thirty days and iba ‘yung friendship na nabuo, not just me and Geoff but the whole cast.”

Pagpapatuloy ni Ynna, “As in grabe ‘yung separation anxiety namin, kasi halos wala pa kaming ilang weeks nandito sa Manila. Ang hirap, ang hirap mag-let go roon sa 30 days na kasama namin sila. Ang hirap ng feeling na nahiwalay ako sa kanila – na parang hinahanap ko sila.”

Esplika pa ng aktres, “Pero ang sarap lang ng feeling na alam ninyo ‘yung wala po kaming wall? Kumbaga, kinilala namin ang isa’t isa. And naging madali na sa amin ang magtrabaho, kasi naging komportable po ako sa kanya (Geoff), and at the same time, naging komportable siya sa akin.”

Paano niya inalalayan si Ynna sa kanilang serye?

Tugon ng anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa, “Ako naman in every star o leading lady ko – na alam ko naman na hindi ko magagawa iyon on my own, it’s between the two of us.

“So, kami ni Ynna we got comfortable right away. First few nights pa lang namin, nagkukuwentohan na agad kami, alam na namin ang mga scene namin kasi pina-practice namin together, kaya half of the scenes alam na agad namin.

“Along the way, getting to know each other lang, lumalim lang ang friendship namin na it helps a lot, kasi komportable kami onscreen,” sambit ni Geoff.

Ang serye ay sa pamamahala ni Direk Eduardo Roy, Jr., isinulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa supervision ng director and writer na si Nestor Malgapo, Jr.

Kabilang sa casts ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Elizabeth Oropesa, Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …