Sunday , December 22 2024

Digong buntot ‘nabahag’ vs solons na corrupt

 KUNG gaano kabagsik sa pagbabanta at binabasa pa ang pangalan ng mga pangkaraniwang empleyado na umano’y sangkot sa korupsiyon, tila nabahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kongresista na idinadawit sa katiwalian sa mga proyekto sa kanilang distrito.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pre-recorded public address kamakalawa ng gabi, isinumite sa kanya ni Presidential Anti Crime Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang listahan ng umano’y mga kongresistang sabit sa panghihingi ng kickback o komisyon sa mga contractor na gumagawa ng kanilang inendosong mga proyekto sa kanilang distrito.

“Ganito, ang PACC, they have communicated to me that they have already the list of congressmen who are into the business of asking commissions from the contractors. And lumabas doon na ang namimili ng mga contractors para sa kanilang mga projects iyong mga congressman at doon sila kumukuha,” aniya.

Ngunit tumanggi ang Pangulo na basahin ang mga pangalan sa listahan ni Belgica dahil ang sakop lamang umano ng kanyang kapangyarihan ay sangay ng ehekutibo at hindi lehislatura at hudikatura na co-equal branch.

“Now, how true itong sabi ni Belgica sa PACC na it’s a matter of evidence. Ganito ‘yan e, padala niya sa akin sabi niya, it is up to me whether I will mention the congressmen involved or not. Alam mo, let’s go to political law. I have no business investigating congressmen. They belong to a separate organ of government, which is co-equal with the President pati ang Supreme Court,” anang Pangulo.

“I cannot read. If I do not have jurisdiction, I cannot name them publicly. Wala akong — sabihin ko lang — hindi sabihin ako’y natatakot or may kino-cover-an (cover) ako na congressman, wala. Wala. Pagdating niyan sa listahan, it will be given to me and to me alone. Now when the time comes, I will ask the Secretary of Justice to review it. But review na cursory reading lang, I said because we — he does not have the juris — the jurisdiction either, he will pass it on to the Ombudsman,” giit niya.

Pero harapang kinontra siya ni Justice Secretary Menardo Guevarra at inilinaw na ang iniimbestigahan ng PACC o ng task force against corruption ng DOJ ay partikular na transaksiyon at sinoman ang mabibistong sangkot sa korupsiyon dito ay sisiyasatin kahit kongresista sila .

“Mr. President, it’s not the congressman himself who is being investigated. In different perspective, Mr. President, if it is a particular transaction being investigated, for example by the PACC or the task force against corruption that the DOJ created upon your instruction, and in the course of the investigation, Mr. President, it would turn out that some members of — let say, the legislature are involved in a particular corrupt practice or transaction, then I think it is within the power of — let say, the task force or the NBI, or the ALMC, or the PACC, which are member agencies of the task force against corruption to mention this — let say, members of Congress who are allegedly involved in the particular transaction,” paliwanag sa Pangulo ni Guevarra.

“So, Mr. President, it is not really the person who is being investigated but a particular transaction na maaari pong nakasama or may involvement itong any member of the government which is outside the Executive department. So, I just want to clarify that one,” paglilinaw ni Guevarra kay Duterte.

Kaugnay nito, ipinagtanggol ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagdistansiya ng Pangulo sa isyu ng katiwalian ng mga mambabatas pero direktang nakasawsaw sa kaso ni Senator Leila de Lima.

“Well, as I said, it must be evidentiary ‘no. Kasi kay Leila de Lima, napakalakas ng ebidensiya na talagang involved siya roon sa kalakalan ng ipinagbabawal na droga. So 11 witnesses testified against her ‘no, so between that and iyong allegations na namili ng favored contractor, na humingi ng porsiyento mahirap pong pruwebahan iyon ‘no. So ibinigay na niya iyan sa Ombudsman,” sabi ni Roque.

Matatandaan, sa pamosong pork barrel scam, ang DOJ na bahagi ng executive branch ang nagsulong ng imbestigasyon sa maling paggamit ng mga mambabatas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagresulta sa pagkabilanggo nina senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla, Janet Lim Napoles, Gigi Reyes at pagsasampa ng mga kaso laban sa ilang kasalukuyan at dating mambabatas , at iba pang personalidad. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *