Sunday , December 22 2024

4-taon drug war ni Duterte may 1k kaso kada araw

MISTULANG bumalik sa 2016 o noong kauupo pa lang sa Palasyo ni Pangulong Rodrigo Duterte at naging ‘retorika’ ang isinusulong niyang drug war.

Kamakalawa ng gabi, tulad ng inaasahan tumirada ng kanyang ‘retorika’ at  muling binatikos ni Duterte ang human rights advocates na kritiko ng extrajudicial killings resulta ng kanyang drug war.

Hinimok ng Pangulo ang human rights advocates na maghanap na lamang ng ibang laban kaysa kontrahin ang kanyang kampanya kontra illegal drugs

“Human rights, you better look for another fight, genocide, you know which countries… But do not tinker with the drug problem in the Philippines. This is mine and mine alone,” sabi niya sa kanyang pre-recorded public address kamakalawa ng gabi.

“Instead of going after us, who are enforcing the law, do not threaten us with imprisonment and investigation because you are trying to pin down an individual maybe out of bigotry. Pero kami, we are here, we were trying to save a nation. Everyday almost 1,000 cases of drugs,” dagdag niya.

Bibigyan umano ng Pangulo ng kopya ang human rights advocates ng kopya ng listahan ng mga arestado sa drug cases na umano’y nakalathala sa “8888 bulletin.”

“Iyan ang problema natin, so organized na talagang may mga factory na sila kung saan-saan and it is a worldwide business. Kaya tayo, hoy mga p****** i** kayong mga human rights. Kung hindi ba ninyo tinitingnan iyan, it’s being posted at the [8888] bulletin, bigya — bigyan ko kayo ng kopya — mabuti pa bigyan ko kayo ng kopya,” aniya.

Hinimok niya ang human rights advocates na kombinsihin ang mga nasa listahan na huminto sa illegal drugs activities at balaan sila na baka ikamatay nila kapag nagpatuloy sa masamang gawain.

“Convince these people — nasa listahan to stop kasi sabihin mo maghinto kayo kay baka mamatay kayo. That is the proper way of doing things,” giit niya. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *