Sunday , November 24 2024

10 entries ng MMFF 2020, inihayag na; Nora Iza, at Sylvia, magpupukpukan sa pagka-Best Actress

SINO kayang aktres ang papalarin this year na tulad ni Judy Ann Santos na itinanghal na Best Actress sa Metro Manila Film Festival last year para sa pelikulang Mindanao?

Si Nora Aunor kaya? Si Iza Calzado? O si Sylvia Sanchez? O iba?

Sino kaya ang susunod sa mga yapak ni Allen Dizon na Best Actor (para rin sa Mindanao) last year; si John Arcilla? Si Phillip Salvador? Si Michael de Mesa? Si Jinggoy Estrada? O si Alfred Vargas? O ‘di kaya ay si Paulo Avelino? O iba rin?

Inihayag na ang sampung (oo, sampu!) official entries para sa gaganaping MMFF ngayong December 2020 at ang mga ito ay ang mga sumusunod…

MAGIKLAND nina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Josh Eugenio, Princess Aguilar, Hailey Mendez, and Bibeth Orteza directed by Christian AcunaCOMING HOME nina Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman and Martin del Rosario directed by Adolf Alix, Jr.; THE MISSING nina Joseph Marco, Miles Ocampo, Ritz Azul directed by Easy Ferrer; TAGPUAN nina Iza Calzado, Shaina Magdayao and Alfred Vargas directed by MacArthur Alejandre;

ISA PANG BAHAGHARI nina Nora Aunor, Phillip Salvador, Sanya Lopez, Zanjoe Marudo, Joseph Marco and Michael de Mesa directed by Joel LamanganSUAREZ THE HEALING PRIEST ni John Arcilla directed by Joven Tan; MANG KEPWENG (Ang Lihim Ng Bandanang Itim) ni Vhong Navarro directed by Toppel LeePAKBOYS TAKUSA nina Andrew E, Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles directed by Al Tantay;

THE BOY FORETOLD BY THE STARS nina Adrian Lindayag and Keann Johnson directed by Dolly Dulu; and FAN GIRL nina Paulo Avelino and Charlie Dizon directed by Antoinette Jadaone.

Sa mga nagtataka kung bakit 10 mula sa nakasanayan nating Magic 8 na pelikula kapag MMFF every year, ayon kay Noel Ferrer na isa sa haligi ng MMFF2020, sampu ang napili nilang official entries dahil for the first time ay digital o online streaming ito. Kaya mas malawak ang sakop nito kaya walang problema sa distribution ng mga sinehan kaya ayos lamang na magkaroon ng 10 entries this year.

Hindi naman nabago ang petsa, tulad ng taunang MMFF, magsisimula ang online streaming ng mga nabanggit na pelikula simula sa araw mismo ng Pasko, December 25.

Para sa mga karagdagang detalye kung paano mapapanood ang mga MMFF entries this year, puntahan lamang ang Facebook page ng Metro Manila Film Festival.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *