KUNG may nilalang na masasabing nabasbasan at nabiyayaan ng magandang pagkakataon sa panahon ng pandemya, pati na kalamidad ‘yun eh, ang celebrity na si KitKat Favia.
Given na ang pagiging talented nito. Sa itinagal niya sa mundo ng entertainment, nanatili ang pagkislot ng kinang ni KitKat sa maraming pagkakataon.
Muli namin itong nakita sa Happy Time nang maanyayahan ang ilang media members na maglaro sa dalawang segment sa palabas nilang nakikipagpukpukan na sa tatlo pang noontime shows sa ABS-CBN, TV5, at GMA7!
Ngayong may pandemya, bukod sa pagho-host sa naturang show, may mga parangal pang iginawad sa kanya.
“This pandemic Dalawang Awards po nakuha ko at galing pa sa GAWAD AMERIKA … ang MOST OUTSTANDING COMEDIAN ACTRESS and HUMANITARIAN AWARD and BEST NOONTIME SHOW HOST … nakakatuwa po na di lang dito narerecognize ung galing ko pati mga kababayan natin sa ibang bansa or ibang parte ng mundo :).”
Sa mga kaganapan ngayon, ano-ano ang tatlong bagay na maituturing niyang mga regalong hindi mababayaran o matutumbasan ng pera?
“3 things money cant buy is PEACEFULNESS NG UTAK, PAG WOWORRY AT MALASAKIT SA PAMILYA AT KAPWA AND ANG HEALTH MENTALLY OR PHYSICALLY lalo SPIRITUALLY kasi di mo maipipilit sa tao ang Faith.”
Paano niya naman naibabalik ang mga biyayang ito sa kapwa niya?
“I have my own ways makatulong sa mga tao, pamilya at sa iba… dami ko po natutulungan through mga pagkain, Gamit, minsan pag kaya at may sobra financially. Usually pag tumutulong ako wala naman usually nakakaalam po… kaya isa din yan sa award ko sa gawad amerika kasi po nalaman nila na nung kasagsagan ng pandemic nakatulong ako sa mga tao frontliners etc kahit ako mismo medyo hirap at may pinagdadaanan. Madalas po ako ganun na inuuna ang iba kapwa pamilya kesa sa sarili.”
Sabi nga ni Kitkat, hindi niya kailangang makipag-kompetensiya kanino man.
Sapat na nga ang talentong ipinagkaloob sa kanya ng Maykapal ang patuloy niyang pagyamanin. Na siyang nakita ng pamunuan ng Net25 sa kanya para sa tinatamasa niya ngayon kasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana.
Tuwang-tuwa siyempre ang pamunuan ng Net25, gaya ni Mr. Caesar Vallejos at ang sumusubaybay sa kanilang si Cesar Ian Batingal-dahil ilang buwan pa lang sila sa ere, binigyang pagkilala na sila ng mga manonood ng mataas na ratings!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo