Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

A2Z Channel 11, masasagap na sa digital TV box

MAS pinadali na ang panonood o pagsagap sa A2Z Channel 11 dahil sa misyong palawakin ito para makapagbigay inspirasyon at saya sa mga Filipino, mapapanood na ito ngayon sa digital TV!

Ibig sabihin, masasagap na ang A2Z Channel 11 sa digital TV boxes sa Metro Manila, Bulacan, Batagas, Cavite, Laguna, at Pampanga.

Kinompirma ito ni G. Sherwin Tugna, Chairman at President ng Zoe Broadcasting Network na may-ari ng A2Z Channel 11.

Ani G. Tugna, “Kami ay nagagalak na ibahagi na ang A2Z Channel 11 ay nasa digital TV na, matapos ang test broadcast na aming ginawa kamakailan.  Kapag mayroon kayong digital TV box, mapapanood ninyo ang aming mga programa ng mas malinaw ang audio at picture qualities.”

Para masagap ang A2Z sa inyong digital box, sundin ang mga sumusunod na hakbang: 1) Pindutin ang Scan sa remote control ng digital TV box, 2) Piliin ang “Yes” para magsimula ang auto-scan; 3) Pagkatapos mag-scan, piliin ang “OK.” 4) Hanapin ang A2Z sa lineup.

Pinaigting ang mga palabas ditto simula nang mag-rebrand ang A2Z Channel 11 noong Oktubre. Kabilang sa program lineup ang religious programs na Bro. Eddie ClassicsJesus The Healer, at Jesus is Lord Sunday Worship and Healing Service; ang hit animated series na  Flying House at Super Book; gayundin ang variety shows, teleseryes, game shows, at talk shows ng ABS-CBN; educational shows ng Knowledge Channel; at blockbuster na pelikulang Tagalog at Tagalized foreign movies.

Para sa updates, i-like ang Official A2Z Facebook page www.facebook.com/OfficialA2ZPH/. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …