Saturday , November 16 2024

Permiso ng DepEd sa red-tagging forum kinuwestiyon

KINUWESTIYON ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pagpapahintulot ng Department of Education (DepEd) na idaos sa 16 divisions sa National Capital Region (NCR) ang isang red-tagging forum na pangungunahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa gitna ng pandemya at kalamidad.

“The Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines assailed an upcoming orientation for ‘Parents and Teachers on the Youth and Student Recruitment by the CPP-NPA-NDF’ to be given by the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) – NCR to 16 divisions of DepEd-NCR on November 25, 2020, from 1:00pm – 4:00pm,” anang ACT sa isang kalatas.

Anang ACT, isang mahalay na paggamit sa oras at resources ang naturang aktibidad lalo na’t tambak ang hindi natutugunan na hinaing sa remote learning sa hanay ng DepEd personnel at learners, partikular sa naranasang hagupit ng tatlong magkakasunod na bagyo kamakailan.

“Sa patong-patong na problemang kinakaharap ng mga guro at estudyante mula pa nang bago magbukas ang klase, hindi namin mawari kung paano naisip ng ating kagawaran na bigyan ng panahon at rekurso ang ganitong tipo ng aktibidad. We are sickened, to say the least, to learn of DepEd’s priorities at this time of great crisis. How many millions of our learners and their families are struggling to continue education while dealing with a pandemic, jobs crisis, and calamities? And our teachers who are stretched thin in trying to provide learning opportunities that the state has so far failed to do effectively? One would think that resolving these major issues will occupy DepEd’s time, but we guess not,” giit ni ACT Secretary General Raymond Basilio.

Matagal na aniyang nararanasan ng mga guro mula sa ACT at iba pang progresibong grupo ang red-tagging na walang basehan at nagsagawa pa ng profiling, harassment, at threats sa kanilang mga kasapi ang mga awtoridad noong nakaraang taon.

“Why then is DepEd providing a platform for these abhorrent acts that have only spread malice and imperiled the welfare and rights of its own employees and learners? This goes against the very mandate of the agency and the values education must espouse,” wika ni Basilio.

Dapat aniyang manatiling safe civilian zones ang mga paaralan at hindi lugar para ibuga ng military ang kanilang mga kasinungalingan, walang basehang akusasyon, maghasik ng tensiyon, at takot sa mga estudyante at education workers at magdulot ng pagkakawatak-watak sa sector ng edukasyon na mabigat na ang bagahe dahil sa krisis at kalamidad.

“Schools should remain safe civilian zones, not a place for military personnel to spew unfounded accusations, sow hostility and/or fear among learners and education workers, and cause divisiveness among a sector already reeling from crises and disasters. DepEd is hereby implored to disallow any and all military intervention in education and to prohibit further spread of mis- and disinformation among its stakeholders. The agency owes it to millions of learners and teachers to refocus all its resources on heeding our just demands for safe, accessible, and quality education,” dagdag ni Basilio.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *