Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Clarete, ‘di inakalang magbabalik-Pinas at gagawa ng serye

NAGULAT kami nang makitang kasama sa zoom conference na ipinatawag ng TV5 at IdeaFirst para sa star studded Christmas seryeng, Paano Ang Pasko na isinulat ng Palanca Hall of Famer Jun Robles Lana at idinirehe nina Enrico QuizonRicky Davao, at Perci Intalan noong Miyerkoles ng hapon.

Kaya naman interesado kami kung balik-‘Pinas na nga ba si Julia at magiging aktibo na naman sa pagiging host o paggawa ng mga serye.

Kuwento ni Julia, balik-Pilipinas na sila buong mag-anak pagkatapos mag-stay ng matagal-tagal sa Malaysia. Rito na rin sila magpa-Paskong mag-anak dahil ito ang lagi niyang nilo-look forward dahil iba nga naman ang Pasko sa Pilipinas.

Aminado si Julia na mahirap ang pagbabalik-telebisyon o pag-arte niya. “It is veryhard. ‘Yung adjustment kasi, hindi ko akalaing babalik ako. Then one day si Mother Otep called me up about this. I just prayed it over. I didn’t think it over as much. Then it push true.”

Giit pa ng aktres, “This is all unplanned.”

Nahirapan din si Julia sa new normal taping. “In terms of adjusting sobrang, hirap ngayon. ‘Yung face mask pa lang eh may ang hirap na laging nakasuot. Tapos everywhere you go you have to be very conscious.”

At ang kaniwang batiang hug o beso-beso ay hindi na rin nagagawa  ngayon. Ani Julia, “We can’t hug everyone on the set. You can’t hug your friends. We can’t make beso na we used to do. A lot of stuff na we used to do can’t now. It’s very challenging.

“Pero sabi nga ni Direk Ricky, it’s the kindness of the people who work in the production makes it work worth while. The faith you have in the project is absolutely fantastic.”

At kahit mahirap, sobra-sobra naman ang pasasalamat niya na nakasama siya sa proyektong ito dahil, “The script is never before seen on Philippine television. Ang galing.”

Ang natatanging drama series ay umiikot sa kuwento ng pagsasama sama ng pamilya tuwing holiday at kung paano naging hadlang sa isang masayang okasyon ang sugat ng nakaraan. Itinatampok din ditto ang pagbabalik telebisyon ng batikan at award-winning na aktres: Urian winner Maricel Laxa na gaganap bilang Faith, ang mapagmahal na pinuno ng pamilya na tutuklas ng isang lihim na matagal ng itinatago ng pamilya; Beauty Gonzalez, si Hope, ang pangalawang kapatid na may nakaraan sa asawa ng kanyang kapatid.

Unang teleserye naman ito ni Elijah Canlas matapos mapanalunan ang Best Actor sa 17th Asian Film Festival sa Rome at sa 43rd Urian Awards. Siya si Noel, ang apo ni Faith na makatutuklas ng mga lihim na itinatago ng kanyang pamilya.

Kabilang din sa teleserye ang mga batikang aktor na sina Ricky Davao at Allan Paule. Kasama rin sina Ejay Falcon, John Sweet Lapus, Matt Evans, Danita Paner, Devon Seron, Cedrick Juan, Ace Ismael, at Justine Buenaflor. 

Sa zoom ay binigyan din ang viewers ng preview ng serye sa pamamagitan ng music video ng Pasko Na Sinta Ko na kinanta ni Jona. Ipinost ito sa IdeaFirst at TV5 social media pages na nakakuha ng libo-libong views at nagbigay ng excitement sa mga Filipino.Ang Paano Ang Pasko ay hatid ng The IdeaFirst Company para sa Cignal Entertainment, na mapapanood simula November 23, at eere mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m. sa TV5.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …