Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman, ‘di makapaniwalang bida na sa “Anak ng Macho Dancer”  

SOBRA ang kagalakan ng Clique V member na si Sean de Guzman at hindi siya halos makapaniwala nang makuha niya ang lead role sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

Saad ni Sean, “Masayang-masaya po ako, hindi po ako makapaniwala na mabibigyan ako ng ganitong break.”

Dagdag pa niya, “Di ko akalain nang pinabalik nila ako, pinagmi-meetingan na pala nila, ako yung gusto nila magbida, kasi nga raw po, parang kahawig ko raw po si Sir Allan Paule. ‘Di ko po ine-expect na makukuha ko po yung lead role.”

Marami ang nasasabi na bagay kay Sean ang role niya rito dahil bukod sa hawig niya si Allan na gaganap na tatay niya rito, magaling sumayaw at gumiling si Sean dahil isa siyang dancer/singer.

Si Sean ay under ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carillo.

Nabanggit ni Ms. Len na umiiyak nga si Sean habang ibinabalita sa kanya ang good news na siya ang napili sa lead role ng nasabing pelikula, na ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang.

Sinabi ni Sean na siya ay tinuruan mismo ng mga retired na macho dancer kung paano ang tamang pagsayaw ng sexy at paggiling habang naka-trunks lang.

Nabanggit din ng 20 year old na guwapitong actor na sobra siyang nagpapasalamat kay Direk Joel at sa lahat ng co-stars sa pelikulang ito, lalo na sa mga senior actors na very supportive sa kanya.

Ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay mula sa The Godfather Productions ni Joed Serrano, business consultant si Grace ibuna, supervising producer si Jobert Sucaldito, at line producer naman si Dennis Evangelista. Tampok din sa pelikula sina Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …