Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngayong Pasko, bagong single ni Marione na swak sa Christmas season

MAY bagong kanta ang prolific singer/songwriter na si Marione. Ito’y pinamagatang Ngayong Pasko at ayon kay Marione, swak daw ang kanta para sa mga taong gustong makasama ang special someone nila sa Yuletide season.

Matagal din bago namin nakitang muli ang panganay ni Ms. Lala Aunor. Nangyari ito nang mag-guest kami sa masayang noontime Show ng Net25 na Happy Time nina Kitkat Anjo Yllana, at Janno Gibbs. Kasama namin dito ni Marione, sina katotong Rommel Placente at Melba Llanera.

Nang nakapanayam namin si Marione, inusisa namin ang latest news sa kanya.

Sagot niya sa amin, “May bago po akong Christmas single with my friend Toma Cayabyab called Ngayong Pasko and weekly din po akong nag-uupload ng cover videos sa Youtube channel ko.”
Dagdag pa niya, “Isa siyang jazz Christmas love song para sa mga taong gusto makasama ang special someone nila during Christmas.”
Nabanggit din sa amin ni Marione na ito ang unang Tagalog Christmas song na kanyang naisulat.
Kamusta na sila ng kanyang Mommy Lala at sister na si Ashley mula nang nagka-pandemic?

Aniya, “Okay naman po ako. Productive pa rin kahit naka-lockdown. Safe naman po kami ng family ko.”

Kailan siya unang lumabas mula nang nagka-quarantine dahil sa pandemic? Ano ang na-feel niya?

Esplika ng dalaga, “Siguro po a few months ago. Nakakapanibago po noong una na mas kaunti yung mga sasakyan sa daan and mga tao sa labas.”

Ano ang Christmas wish niya?

Wika ni Marione, “Sana matapos na po ang pandemic and maka-recover ang lahat nang naapektuhan. Pati na rin ang mga nangyayaring calamity po sa atin.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …