Sunday , December 22 2024

Mga “promdi” dadagsa tiyak sa Maynila…

MISTULANG inalis sa mapa ng Pilipinas ang mga iba’t ibang lalawigan o mga probinsiya dahil sa sunud-sunod na bagyong dumating. Sumuko ang kalupaan sa mga bundok sa walang tigil na ulan mula sa mga bagyong Quinta, Pepito, Rolly at pinakahuli ay si Ulysses.

Mga lugar sa Northern ang tinamaan, ang Cagayan, Tuguegarao at malaking bahagi ng Isabela, Southern, sa Kabikulan, gaya ng Catanduanes, Virac at buong Camarines Sur. Isama na natin ang bahaging Eastern, ang Marikina at Pasig na sakop ng NCR.

Maraming bahay at pananim na winasak, mga imprastraktura, at mga punong itinumba ng malakas na hangin kabilang ang mga sasakyan na inanod ng baha.

Mahigit 30 katao ang nasawi at mahigit sa dalawampu ang nawawala na hanggang ngayon ay ‘di pa nakikita na posibleng inanod ng rumaragasang tubig mula sa mga umapaw na ilog.

Dahil sa kalunos-lunos na trahedya, ang programa ng administrasyong Rodrigo Duterte na pabalikin sa probinsiya ang mga kababayan natin na hirap dito sa Maynila ay imposible ng matupad sa halip ay mas marami pang promdi ang babalik o luluwas dito sa Maynila dahil inaakala nila na mas ligtas sila dito sa panahon ng mga bagyong dumarating sa bansa!

Dito sa Maynila, maraming trabahong naghihintay, housemaid, yaya, driver at construction worker. Sa kanilang probinsiya, ano ang naghihintay? GUTOM sila lalo na kung ang kanilang sakop na lugar ay kasamang winalis ng mga nagdaang bagyo.

Ano pa ang kanilang itatanim? Ang kabukiran ay napinsala, ang lupa ay naging putik, saan ka lulugar, sakaling magtanim muli ng mga palay, ilang buwan sila magugutom bago mag-anihan, kaawa-awa!

Kaya sigurado muling madadagdagan ang tao sa Maynila, darami lalo ang mga nanghihingi ng limos sa kalsada, at muling dadagsa ang squatters dito sa kalakhang Maynila!

Walang lugar para sa relokasyon ng mga lalawigan na apektado ng bagyo dahil mistulang binura na sa mapa ang kanilang lugar. Umaasa na lamang sila ngayon sa tulong ng gobyerno, matagal bago makaahon.

Maraming mawawalan ng trabaho, higit sa lahat maraming MAGUGUTOM!

Isang malaking dagok ito sa administrasyon ni Pangulong Duterte, mabuti na lang ang ating Pangulo ay nasa mahihirap ang puso (excuse me sa mga dilawan), sa mga nagsasabing alagad ng demonyo si Pangulong Duterte

Mali, dahil ang demonyo ang nagpapagulo sa ating bansa, ito ay ang mga taong pilit siyang ibinabgsak!

Ang pangyayaring sunud-sunod na trahedya sa ating bansa ay bunga ng hindi pagkakaisa ng magagaling na tao na nais na magunaw ang mundo sa larangan ng pulitika…

GALIT NA GALIT na ang taong lumikha ng lahat, dahil marami ng KORAP AT MASAMANG TAO SA ATING BANSA!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

 

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *