Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabbi Garcia, nagso-social media para makatulong

MAGANDANG example ang Kapuso star na si Gabbi Garcia kung paanong nagagamit ng mabuti ang social media. Nitong mga nakaraang araw, makikitang ginamit niya ang kanyang social media accounts para magbigay ng lakas at makahingi ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Dahil na rin sa bagyong Ulysses, na-move ang pilot airing ng kanyang show sa GMA News TV na IRL (In Real Life) para magbigay daan sa balita at updates sa bagyo. Ngayong Huwebes (November 19) na mapapanood ang first episode ng nasabing reality program na ang una niyang guest co-host ay ang kanyang boyfriend at bagong Kapuso na si Khalil Ramos.

Humingi ng pasensiya si Gabbi sa kanyang fans dahil late na rin siyang nakapag-post tungkol sa pagkaka-postpone ng first episode. Say ni Gabbi: “Hi guys. The pilot ep of “IRL” will air on Nov. 19 instead. So sorry I wasn’t able to update you guys yesterday. We had no signal and power. Praying for everyone’s safety. please please take care.”

Naintindihan naman ito ng fans ni Gabbi na karamihan ay nagsabing mas mahalagang safe ang Kapuso star at ang kanyang pamilya.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …