Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chloe Sy, sumabak sa bed scene sa pelikulang Anak ng Macho Dancer

IPINAHAYAG ng Belladonnas member na si Chloe Sy na ibang-ba ang mapapanood sa kanya sa second movie niyang Anak ng Macho Dancer na tinatampukan ni Sean de Guzman at mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Panimula niya, “Ibang Chloe po ang makikita nila rito, marami pong aabangan sa akin sa movie, pero secret muna po, hahaha!”

Ang 20 year old na tsinita ay unang napanood sa advocacy film na Codep na pinamahalaan ni Direk Neal Tan at tinampukan ng Primadonnas at Clique V.

Ano ang role niya sa movie? Love scene ba ang ginawa niya rito?

“Ang role ko po rito ay yung girlfriend po ni Ricky (Gumera).”

Saad pa niya, “Puwede na bang sabihin? Bed scene po iyong sa amin ni Ricky, iyon po ang isa sa aabangan nila sa film na ito. First time ko po kasi na nagbed-scene.”

Paano siya na-convince na magpa-sexy sa pelikulang ito?

Lahad niya, “Actually po kasi, gusto ko rin ng ganoon na role. I mean, ready po kasi ako talaga sa kahit na anong role.”

Si Chloe ay nasa pangangalaga ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carillo.

Totoo ba na dapat ay magpapakita siya ng maselang part ng kanyang katawan sa pelikulang ito, pero hindi natuloy?

“No comment po, hahaha!” Nakatawang saad niya. Wika naman ng kanyang manager na si Ms. Len, “Hindi, wala talaga, wala talaga…”

Ang pelikulang Anak ng Macho Dancer ay mula sa The Godfather Productions ni Joed Serrano. Tampok din din dito sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, David Schion, Miko Pasamonte, Niel Suarez, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …