Thursday , December 26 2024

Abolisyon ng kafala system malaking kaluwagan sa OFWs ( Cayetano maraming nagawa sa DFA)

ANG Kingdom of Saudi Arabia ang isa sa middle east countries na may pinakamaraming Filipino migrant workers.

Sa huling bilang ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Disyembre 2019, nasa 865,121 Filipino migrant workers ang nasa KSA.

Ganito karami ang nabigyang proteksiyon ng pamahalaan sa matagumpay nitong pakikipaglaban sa United Nations at iba pang international fora para maalis na ang Kafala (visa sponsorship) system sa Saudi.

Inianunsyo ng Saudi government na simula Marso 2021 ay tatanggalin na ang Kafala system. Ibig sabihin nito, ang mga non-Saudis ay maaari nang umalis, magbago ng kanilang trabaho, at bumiyahe nang walang pahintulot ng employer – iba na mula sa dating sistema na ang employer ay kinokompiska ang passports at hindi pinapasahod ang migrant workers at kinakasuhan kapag umalis sa employer nang walang paalam.

Itinuring ng International Organization for Migration in the Philippines ang bagong labor inititiative ng Saudi Arabian Government bilang “game-changer in terms of worker protection” at partikular nitong kinilala ang pagpupursigi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maiayos ang kalagayan ng mga OFW sa ibayong dagat.

Taong 2017 nang pasimulan ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ang laban sa pag-abolish ng Kafala system. Makalipas ang tatlong taon ay nakamit ng pamahaaan ang tagumpay sa laban na ito para sa kaligtasan ng mga manggagawang Filipino.

Nang umalis si Cayetano sa DFA noong 2018 ay ginawaran siya ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Sikatuna na may ranggong Datu dahil sa kanyang “outstading and dedicated service” bilang Kalihim ng DFA.

Deserving si Cayetano sa nasabing pagkilala dahil tunay naman na hindi matatawaran ang nagawa niya sa DFA lalo ang maraming pograma na pro-OFWs.

Bukod sa paglaban sa Kafala system, napataas ang pondo para sa Assistance to Nationals (ATN) Fund na mula sa P400 milyon  ay ginawang P1 bilyon na isinulong ni Cayetano kay Pangulong Rodrigo Dutterte at Legal Assistance Fund (LAF) na mula P100 milyon  ay naging P200 milyon.

Mula nang madagdagan ang pondo sa ATN, agad natulungan ng DFA ang 14,995 distressed OFWs at 685 migrant workers na may kinahaharap na kaso ang nabigyan ng legal assistance sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano sa DFA.

Binago ni Cayetano ang mga lumang patakaran at pamamaraan para maparami at mapabilis ang mga tulong para sa OFWs. Kaya nga maging ang mga stranded na OFWs dahil sa bagyo o aksidente ay nabigyan ng financial assistance habang naghihintay ng kanilang biyahe.

Sa rami ng mga pro-OFWs accomplishments ni Cayetano sa DFA ay hindi nakapagtataka kung bakit isinulong din niya sa Kamara nang syia ay maging House Speaker ang pagpasa sa panukalang pagtatatag ng Department of OFW (DOFW), ang ahensiyang tututok sa sektor ng mga OFW.

Marso 2020 nang ipasa sa third and final reading ng Kamara ang pagbuo ng Department of OFW na inakda ni Cayetano ngunit nanatili itong nakabinbin sa Senado.

Napagbuti at naging mabilis ang pagkuha ng passport dahil sa inilunsad na Passport on Wheels at pagbubukas ng consular offices sa Ilocos Norte, Isabela, Laguna, Bulacan, Cavite, Rizal, Davao del Norte, Misamis Occidental at Tarlac.

Kung ating aalalahin, sa loob ng isa at kalahing taon ni Cayetano sa DFA ay napahusay ang pagpoproseso ng passport, mula sa dating 9,500 pasaporte na naipoproseso kada araw ay napataas ito sa 20,000 pasaporte kada araw.

Niresolba rin ang isyu sa pekeng passport appointment nang ilunsad ni Cayetano ang e-payment system. Tumaas ang show-up rate ng mga aplikante mula 65 porsiyento ay naging 95 porsiyento.

Naisama sa courtesy lane ang senior citizens at isa nilang kamag-anak, mga taong may kapansanan at isa nilang kaanak, mga batang edad pito pababa, ang kanilang mga magulang at menor de edad na kapatid, mga buntis, nagbabalik na overseas Filipino workers (OFWs), gayondin ang solo parents at kanilang menor de edad na mga anak.

At sa ilalim din ng panunungkulan ni Cayetano naipatupad ang 10-year validity ng Philippine passport.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *