Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Restoran ni Mia, ginawang grocery bago naibalik sa dine-in

MALAKI ang pasasalamat ni Mia Pangyarihan na inalok siya ng Net 25 para maging isa sa mga hurado (danding) ng Tagisan ng Galing kasama sina Joy Cancio, Wowie de Guzman, at Joshua Zamora na napapanood tuwing Sabado at Linggo, 12:00 nn at 9:00 p.m. sa Net 25. 

Kahit paano kasi’y nabawasan ang pag-aalala niya sa restoran niya na naapektuhan ng Covid-19 pandemic. Maganda kasi ang takbo ng restoran niyang Japanese and Korean fusion, ang Yoshimeatsu na nasa Tomas Morato, Q.C. noong wala pang pandemic. Pero nang magka-pandemic napilitan siyang gawin na lamang itong grocery para hindi maisara.

Kuwento ni Mia, “Hindi ko puwedeng isara kasi need ng pambayad ng upa kasi isang buwan lang ‘yung inilibreng upa noong lockdown. Kaya ginawa kong grocery store muna habang bawal pa ang dine-in para lang maski paano may mabuo para sa upa, kahit na makakalahati lang.

“Ang masakit kailangan kong magbawas ng tao kasi hindi ko na kayang pasuwelduhin at naintindihan naman nila. ‘Yung sa store, isa lang tao roon, siya na lahat, tindera, kahera.

“Ngayong puwede na ang dine-in hindi pa rin bawi kasi one table apart pa, so mga 20-30 lang taong kumakain, kulang pa rin.

“Ang dami ko pang ipinagawa kasi need ko magpagawa ng acrylic barriers o divider plus ‘yung iba pa para sa health protocols. Sana makabawi sa mga susunod na buwan na.”

Ani Mia, dahil sa Tagisan ng Galing ng Net 25, marami ang nabigyan ng trabaho tulad niya.

“Ang daming nabigyan ng work ng NET 25 kaya nagpapasalamat kami talaga,” sambit ni Mia.

Bukod sa Tagisan ng Galing (dancing), mayroon din itong Tagisan ng Galing (singing) na ang mga hurado naman ay sina Imelda Papin, Marco Sison, Marcelito Pomoy, Jessa Zaragoza, at Vina Morales. Naglalakihan din ang papremyo rito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …