Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong Dee, grabeng bumuyangyang sa Alter Me

Tiyak na pag-uusapan ang mga revealing at daring scenes ni Enchong Dee sa Alter Me, his movie with Jasmine Curtis Smith that is slated to be shown at the streaming of Netflix starting Sunday, November 15.

Opening scene pa lang, nagpakita na kaagad ng hubad na katawan ang aktor.

Tiyak na masa-shock ang mga tao dahil hindi lang basta paghuhubad ang kanyang ginawa. May may nude scene kasi siyang whipped cream lamang ang ipinantakip sa kanyang private part.

Tiyak na pag-uusapan rin ang kanyang “pumping scene” with a woman wearing a mask.

RC delos Reyes is the movie’s direktor and Alter Me can safely be considered as his most daring movie ever.

Sinabi raw sa kanya ni Enchong na siya na ang bahala sa kanyang daring scenes since nagtitiwala naman sa kanya as long as magandang lalabas ang mga eksena.

Siyempre kinabahan rin daw ang direktor since first time niya rin namang gagawin ang ganong mga eksena.

Okay raw kay Enchong ang mga daring scenes pero si Jasmine ay may parameters lang.

Alter Me can safely be considered as Enchong most daring role to date. Napapayag raw kasi ni Direk RC na magkaroon ng butt exposure, pumping, at frontal nudity scene.

Hudyat na ba ito nang pagganap ni Enchong ng mature roles.

“No’ng pinitch ko sa kanya,” Direk RC intoned, “tinanong niya ako what’s the requirement and sinabi ko ‘yun ang requirement ko. Nag-yes naman siya agad.

“Nagkataong nasa ganyang materyal ang hinahanap niya, kasi sinabi ko sa kanya na siya talaga ang first actor ko in mind to play the role of Uno because you never see him in such a role.”

Sa Alter Me, tailor made raw ang role para kay Enchong na very playful pa rin siya, very Enchong.

‘Yun nga lang, mas daring, mas sexy this time, mas go-getter. Gusto raw nilang ‘yung audience ang magsasabi ng  ‘Ay, ito ‘yung Enchong na hindi pa namin napanonood.’

Ang galing nga raw ng promo ng Netflix because they really promoted na this one is a love story and they kept most of the mystery.

“Kaya sabi ko, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag napanood na nila ‘yung full movie at ang opening scene ni Enchong?”

Nagpapasalamat din siya dahil mahuhusay ang lahat ng mga artista niya — sina Enchong, Jasmine, JC Santos, Via Antonio, Royce Cabrera, Richard Quan, at Rhed Bustamante.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, NHong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …