Tuesday , December 24 2024

14 movies sa halagang P14, handog ng UPSTREAM at GMovies

NAKATUTUWA naman itong proyekto ng UPSTREAM at GMovies, ang 14on14 na makakapanood ka ng 14 na pelikula sa halagang P14. Opo, piso ang halaga ng bawat pelikula.

O ‘di ba ang bongga! Ang mura ng halaga ng family bonding na tiyak lahat ay masisisyahan at tiyak pang ligtas sa pandemic ang lahat.

At dahil online na ang lahat, online streaming na rin ang ginawa sa 14 na pelikula para tiyak na mapapanood ng bawat isa sa atin.

Available na simula ngayong Sabado ang online streaming na isinakatuparan ng Globe’s GMovies at Upstream. Bale ba ganito rin ang mangyayari sa mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Ayon nga kay Direk Erik Matti, Upstream at producer Dondon Monteverde na siyang punong abala sa proyektong ito, “It’s a mix of the biggest stars and even directors [then and now.

Ang 14 na pelikulang mapapanood sa halagang P14 ay ang mga sumusunod:

Dahas nina Maricel Soriano, Richard Gomez, Tonton Gutierrez;

Woke Up Like This nina Vhong Navarro, Lovi Poe;  Ang Babaeng Putik nina Klaudia Koronel, Carlos Morales; The Debutantes nina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon, Chanel Morales; Bala at Lipstick nina Roderick Paulate, Zoren Legaspi; Daddy’s Little Darlings nina  Dolphy, Coney Reyes, Snooky Serna; Diliryo nina  Giselle Toengi, Jomari Yllana; Shake, Rattle and Roll 3 nina Kris Aquino, Janice de Belen, Rosemarie Gil, Ogie Alcasid; Starzan: Shouting Star of the Jungle nina Joey De Leon, Zsa Zsa Padilla; Bihagin: Bilibid Boys nina Al Tantay, Mark Gil, Gabby Concepcion, Jimi Melendez, Alfie Anido, William Martinez, Choy Acuna; Yesterday, Today, Tomorrow nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Lovi Poe, Dennis Trillo, Carla Abellana, Solenn Heusaff, Jericho Rosales, Eula Caballero, Agot Isidro, Ronaldo Valdez; Inday Bote At Ang Mahiwagang Bibe nina Maricel Soriano, William Martinez, Richard Gomez; Sinungaling Mong Puso nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Mulach, Alice Dixson, Aiko Melendez, Ricardo Cepeda, Melissa Mendez; at Rakenrol nina Jason Abalos, Glaiza De Castro, Ketchup Eusebio, Alwyn Uytingco, Diether Ocampo, Matet De Leon, Jun Sabayton, Ramon Bautista

Ang mga pelikulang ito ay mapapanood hanggang November 27.

Idinagdag pa ni Matti na bukod sa promo at deal nila sa MMFF, naghahanap pa ang Upstream ng mga puwede pa nilang maipalabas sa Enero.

“We envision Upstream to be a place where all content producers are welcome. We all know that content in the Philippines is diverse, and we want that content to come out in Upstream,” paliwanag ng magaling na director.

“We want this platform to be inclusive.” 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *