Sunday , December 22 2024

Tapyas badyet ng Pasay City government dahil sa pandemic

ANG laki ng epektong idinulot ng coronavirus pandemic. Lahat ay apektado, ang sandalan ng mamamayan, ang bawat local government ay apektado rin dahil sa mga proyektong nakalaan para sa taong 2021 ay mauudlot dahil sa kakapusan ng badyet na pawang nagamit sa panahon ng pandemic gaya ng mga ayuda sa taongbayan.

Sa budget hearing na isinagawa kamakailan ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay, 15 porsiyento ang tinapyas sa allocation ng badyet ng bawat departamento. Walang pumalag dahil hangga’t ‘di pa normal ang lahat kinakailangan magtipid.

Masuwerte ang mga departamento na puwedeng matulungan ng nasyonal gaya ng Department of Education, Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Department of Health (DOH). Mga sangay ng gobyerno na puwedeng magbigay ng ayuda sa mga local government.

Hangga’t hindi bumabalik sa normal ang lahat, tiis-tiis muna! Buti na lang sa 2022 pa ang local elections, baka maapektohan ang mga kandidato na hindi namigay ng ayuda.

NO CHRISTMAS PARTY IMPOSIBLE!

Hindi pa nga normal ang lahat, marami nang matitigas ang ulo, sa social media. Makikita ang mga post sa facebook ng iba’t ibang gatherings, Christmas party pa?

Siguro iiwas na lang mag-post ng mga retrato na may kasayahan. Ang tao pa naman sabik sa isang taon bago mangyari ang Christmas party. Potlock lang bawat isa, party-party na!

Hindi maiiwasan ang family gatherings kapag araw ng Pasko. Sabi ng DOH, online Christmas party na lang daw dapat. May katuwiran para maiwasan ang CoVid.

Tinutukoy dito ang mga nasa probinsiya na luluwas ng Maynila sa araw ng Pasko para huwag nang umalis ng bahay ang mga nasa malalayong lugar.

Sa aking opinyon, pamilya na lamang ang dapat magsama-sama sa loob ng bahay. Walang mamasko dahil tipid nga!

Hindi naman puwedeng ipagbawal ang Pasko dahil ito ang araw ng kapanganakan ng Dakilang Lumikha.

Kung ang Simbang Gabi ‘di na muna gagawin, puwede naman siguro sabihin na inaanak may utang ako sa iyo.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *