Saturday , November 16 2024

P.5-M Bigas at relief packs ayuda ng NCRPO sa Cagayan at Isabela

MABILIS na nagpadala ng tulong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa residente na sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan at Isabea.

Ikinasa ang relief operations dakong 7:00 pm na mismong si NCRPO chief Regional Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang nangasiwa sa apat na 6×6 trucks at isa-isang binigyan ng gabay ang nasa 50 tauhan mula sa Team NCRPO na maglakbay patungo sa nabanggit na probinsiya.

Nabatid na nagpadala ng bigas at relief packs sa Cagayan at Isabela ang Team NCRPO bilang ayuda sa mga dumanas ng matinding pagbaha at landslide bunsod ng bagyong Ulysses na sinabayan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.

Bago maglakbay ay nagsagawa muna ng panalangin at briefing si P/BGen. Danao sa kanyang NCRPO relief operations team na maghahatid ng tulong.

“Maglakbay kayo na bitbit ang aming pasasalamat at dasal sa maayos, ligtas o mapayapang relief operations sa ating pagtulong  sa Cagayan,” pahayag ni Danao.

Nasa P500,000 ang halaga ng bigas, relief food packs na inihatid ng apat na 6×6 truck ng Team NCRPO at kasabay na rin ang dalawa pang 6×6 truck din na nagmula sa Camp Crame lulan ang mga pulis na pamilyar sa naturang probinsiya.

Ang NCRPO relief operations team na tumulak patungo sa nabanggit na probinsiya ay pawang tubong-Cagayan at Isabela upang mas maging maayos, mabilis at makatulong  sa pag-ayuda sa kanilang mga kababayan.

Ayon kay NCRPO chief P/BGen. Danao, ang mga sumama sa relief operations team ay magkakaroon ng isang linggong pahinga o bakasyon matapos ang pagbibigay ng ayuda upang makumusta rin ang kanilang mga kaanak sa naturang probinsya.

High morale naman ang mga miyembro dahil pinabaunan din ni Danao ng panggastos ang Team NCRPO na umabot sa P151,000 kabilang ang driver ng anim na truck, apat sa Team NCRPO at dalawa mula sa Crame, at SWAT team.

Matindi ang sinapit ng Cagayan at Isabela sa pananalasa ng bagyo kaya’t minarapat ng bagong Regional Director ng NCRPO na magbigay ng ayuda sa nangangailangang mamamayan sa probinsiya.

Ipinaaabot rin ni Danao ang kanyang dalangin para sa kaligtasan at pagbangon ng mga kababayan na lubos na sinalanta ng bagyo sa Region ll.

“Pagdamutan na po ninyo ang munting ayuda na nakayanan ng Team NCRPO, nawa ay makatulong po upang maibsan nang kaunti ang hirap at hinagpis na inyong nararamdaman,” dagdag ni Danao.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *