Saturday , November 23 2024
flood baha

Hindi na natuto tayong mga Filipino

MAIKLI nga lang siguro ang memorya ng mga Fiipino.

Pagkatapos ng isang masamang karanasan at nakaraos na, lilimutin nang lahat, pati ang dahilan o pinagmulan ng masamang karanasan.

Madali rin daw magpatawad ang mga Pinoy. Kahit super-mandarambong ang isang politiko kapag nakitang nakasakay sa wheelchair, biglang nalulusaw ang puso at sasabihin na lang na “Bahala na ang Diyos sa inyo!”

Gaya ng isyu ng iba’t ibang uri ng mining at quarrying. Batid ng maraming Pinoy na ang quarrying at pagmimina, legal man o ilegal, ay may malaking epekto sa kalikasan at sa tao.

Ang pagtatayo ng mga dambuhalang dam. Pinalulubog ng mga dambuhalang dam ang maraming bayan at maraming mamamayan ang nakararanas ng dislokasyon dahil wala namang ayuda ang pamahalaan kung paano at saan sila makasusumpong ng bagong pamayanan.

Gaya ito ng pagkakalikha sa Pantabangan at Magat dam na maraming bayan ang pinalubog, karamihan ay tahanan ng mga katutubong Filipino.

Hindi natin nabalitaan kung may pinaglipatan sa mga apektado ng pagtatayo ng nasabing mga dambuhalang dam pero mas malamang marami sa kanila ang nanahan sa mga lugar kung saan hindi hahangarin ng mga taong maraming pagpipilian kung saan sila puwedeng manahan.

 Nitong nakaraang Miyerkoles, 11 Nobyembre, alam nating lahat na darating si Ulysses. Nagbabala ang PAGASA na malakas na bagyo ito.

Gaya ng paghahanda sa pagdating ng bagyong Rolly, marami ang nagsikap na makapagprepara. Pero kahit nagprepara, nanalasa pa rin ang bagyong Rolly sa Bicol region at sa Mindoro.

Ngayon sa bagyong Ulysses, hindi inaasahan na raragasa ang malalaking baha dahil tatlong dam ang nagpakawala ng tubig.

Kabilang sa mga nagpakawala ng tubig ang Magat dam sa Isabela, Binga dam sa Benguet, at ang Angat dam sa Bulacan.

And the rest (again) is history. History dahil nangyari na ito noong 2009 nang manalasa ang bagyong Ondoy. Labing-isang taon na ang nakararaan.

Casualty ng pagpapakawala ng tubig ng mga nasabing dam, ang Marikina City sa Metro Manila at Rodriguez sa Rizal; ang mga bayan sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga; at ang pinakamalawak na nasalanta — ang Cagayan.

Ang hirap manood ng telebisyon, nakababagabag ang kalagayan ng mga biktima ng baha na wala halos nailigtas sa kanilang  mga gamit dahil kailangan nilang isalba ang kanilang mga buhay.

Paglipas ng baha, putik naman ang kanilang naging problema. Napuno ng putik ang kanilang mga tahanan pero hindi nila malinis kasi walang tubig. Pikit-mata silang kumuha ng tubig sa kanal para matanggal ang putik sa kanilang mga bahay.

Habang hindi maintindihan ng mga residente sa Cagayan kung maililigtas pa ba sila dahil tatlong araw na silang nasa bubong ng kanilang mga bahay pero wala pa silang nakikitang dumarating na tulong.

Sa Bulacan, mano-manong binuhat ng mga kagawad ng pulisya ang mga senior citizen, persons with disability (PWDs), at mga bata sa pamamagitan ng planggana.

Sa huling bilang, halos mahigit sa 100,000 mamamayan ang naapektohan at nawalan ng tahanan dahil sa baha. Eksasperado ang mga biktima, wala silang masulingan, at lalong hindi nila alam kung paano sila muling magsisimula.

Ngayon, maraming nakaalala sa yumaong si Gina Lopez na hindi nakapasa sa kompirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil hindi siya pabor sa abusadong pagmimina.

Sa tuwing darating ang ganitong sitwasyon, ang laging sinisisi ng mga awtoridad ay ‘climate change.’

E talaga namang nagbabago ang klima. Bata pa tayo pinag-aaralan natin kung ano-ano ang klima sa iba’t ibang bansa.

Huwag sisihin ang ‘climate change.’ Mas dapat sisihin ang mga abusado at gahamang mapang-abuso sa kalikasan.

Ginagawa pang hangal ang mga tao — climate change daw ang dahilan ng baha, lindol at iba pang kalamidad?!

Mga hunghang!

Sa panahon gaya nito na maraming nagdurusa, saka tayo nagagalit sa quarrying, mining, illegal logging at iba pang anyo ng pag-abuso sa kalikasan.

Pero as usual… paglipas nito, malilimutan na naman natin ang ‘napakalagim’ na pangyayari dahil sa ‘kagahamanan.’

At siyempre mauunang makalilimot ang mga awtoridad na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mamamayan at kapaligiran. Kasi nga idinidikdik nila sa utak ng tao na natural ang nagyayari dahil sa climate change. (Please lang, huwag n’yo kaming linlangin!)

Lilimutin na naman natin ang sakit at galit.

Muli lang natin maaalala kapag muli na naman tayong nasalanta.

Tsk tsk tsk.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *