ANG Artikulo Kwatro ay isang indie band mula sa Nueva Ecija na binubuo nina Raphael ‘El’ Mallari (vocals), Rogie Navarro (guitar), Shaik Jacamille (lead guitar), Eliezer Bombita (bass guitar), Raul Sales III (keyboards) at Joffrey Gayla/James Ian Dato (drums).
Ang vision ng kanilang banda ay makapag-travel sa buong bansa at magbigay ng inspirasyon sa ibang amateur at indie artists. Sina Rommel Padilla at Raphael or El, ang nagma-manage ng banda.
Saad ni El, “We want to showcase patriotism on our own music. Here are some of our originals available on Spotify and Youtube, ready for streaming, A Coffee Story, Inspirado, Kuntento, and Bumitaw.
“We want to ignite the passion in artistry because we know that it will be a good way for communication with other people who have trouble expressing themselves through words alone. That’s why we make events, so that other people can see what artists can do and hope that they can support them to pursue their passion.”
Paano niya ide-describe ang kanilang banda? “Ang banda namin ay parang second family na namin, our comfort zone. As a band, hindi namin tinatrato na iba ‘yung bawat isa, kundi bilang magkakapatid. Walang naiiwan sa ibaba, bagkus inaangat namin pare-pareho.”
Nabanggit din ni El ang klase ng kanilang musika.
Aniya, “Ang music namin is alternative rock po. Usually mga nai-experience ko as a composer ‘yung mga isinusulat ko. Depende sa emotions ko o naging emotion ko that day. Usually, ang mga isinusulat namin na song po ‘yung mga swak sa mga kabataan, sila ang target audience namin. Karamihan sa kanila kasi broken hearted o may mga crush.”
Plano ba nilang magkaroon ng album? “Yes. Hoping in near future mailabas namin ito sa isang label na tatanggapin kami nang buo as Kapamilya o Kapuso o kung ano man. Diyos naman po ang gumagawa ng paraan kung para sa amin talaga ‘yun,” sambit pa ni El.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio