Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, sobra ang ligaya sa Happy Time

IPINAHAYAG ni Kitkat na sobra ang kanyang ligaya sa noontime show nila nina Janno Gibbs at Anjo Yllana sa Net25, titled Happy Time.
Saad ni Kitkat, “Simula’t simula, mula sa meeting, sa rehearsal and all, sobrang flattered ako, kasi laging sinasabi ng mga nakatataas, ng lahat ng tao, ng mga boss, na handpicked nga ako talaga.

“Kumbaga walang ibang pinagpilian, ako talaga unang naisip, ako talaga mula sa pag-iisip pa lang nitong Happy Time. So, sobrang flattered ako ‘tsaka sobrang blessed.”

Nagpa-abot din ng pasasalamat si Kitkat sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Net25.

“Thankful po ako, sa rami po ng walang trabaho, mapa-showbiz or hindi, kahit marami po akong projects na na-turned down sa takot sa virus, super thankful po ako and I know bigay talaga sa akin ni God ‘to.

“Naniniwala po ako na ang lahat ng bagay kapag para sa iyo ay para sa iyo po. Hindi ipipilit, hindi gagawan ng paraan… Divine intervention po kumbaga.”

May pressure ba na katapat nila ang It’s Showtime at Eat Bulaga?

Mabilis na sagot ni Kitkat, “Ay hindi, never. Simula noong nag-umpisa kami sa rehearsals, wala.

“Sinasabi namin lagi na hindi kami nakikipagkompetensiya, bukod sa… roon kami galing, eh. At saka, ano kami, chill lang… Hindi yung parang sasabihin na sino mas mataas, mas maraming views, sino may ratings or what, basta kami happy at lahat kami may trabaho,” wika pa ng versatile na comedienne, singer, at TV host.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …