EXCITED na ang TikTok star na si Dave Duque na mas mahasa pa ang kanyang mga talento ngayong parte na siya ng GMA Artist Center.
Sa online show na In The Limelight, ikinuwento ni Dave na gusto niyang makatrabaho ang idol niyang si Michael V.
“Bata pa lang po ako, napapanood ko pa lang siya, sinabi ko na agad sa sarili ko na ‘Kuya Bitoy, balang araw, makakatrabaho rin kita,” aniya.
Bukod pa rito, nais din niyang gumanap bilang isang comedic superhero on-screen ala-Spider-Man.
Samantala, mapapanood naman sa TikTok page ng aspiring Kapuso comedian ang TikTok-serye na makakasama niya ang Prima Donnas stars na sina Althea Ablan, Elijah Alejo, at Bruce Roeland.
Rated R
ni Rommel Gonzales