Sunday , December 22 2024
bagyo

Palasyo tutok kay Ulysses

TINUTUTUKAN nang husto ng Palasyo ang galaw ng bagyong Ulysses at sinuspende ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa public shools sa Regions II, CALABARZON, MIMAROPA IV, Cordillera Administrative Region at National Capital Region simula kahapon 3:00 pm hanggang ngayong araw.

Ang desisyon ng Malacañang ay batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“We leave the suspension of work for private companies, offices and schools to their respective heads’ discretion,” aniya sa isang kalatas.

“Concerned agencies of the government are on standby 24/7 and have already prepositioned relief goods, supplies and medicines. The NDRRMC Operations Center is closely coordinating with all regional disaster risk reduction and management councils and local government units that are in the track of Typhoon Ulysses,” dagdag ni Roque.

Nanawagan ang Malacañang sa mga residente ng mga lugar na apektado ng bagyo, i-monitor at sundin ang lahat ng weather advisories at mga anunsiyo ng gobyerno, tiyaking ligtas ang mga bahay at sasakyan, makipagtulungan sa mga awtoridad kapag naglabas ng evacuation notice at ipagpaliban ang mga pagbiyahe upang hindi ma-stranded, at manatili sa loob ng bahay upang hindi tamaan ng mga bagay na nilipad sanhi ng malakas na hangin at ulan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *