HATAW sa dami ng show ang Eagle Broadcasting Company o Net 25. Kasabay kasi ng paglulunsad ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ang paglulunsad din o pagpapakilala ng mga kasalukuyan at upcoming o aasahang pang show sa kanilang network.
Masasabing tila makikipagsabayan na rin sila sa GMA7 at TV5 sa rami ng line-up ng shows.
Sa entertainment, nariyan ang noontime show na Happy Time nina Anjo Yllana, Janno Gibbs, at Kitkat Favia; ang Kesayasaya!, isang musical sitcom nina Vina Morales, Robin Padilla, at ng Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales; ang Tagisan Ng Galing 2 na pawang hurado sina Imelda Papin, Vina Morales, Marco Sison, at Marcelino Pomoy (sa kantahan); Joy Cancio, Mia Pangyarihan, Wowie de Guzman, at Joshua Zamora (sa sayawan) na ang host ay sina Ruru Madrid at Jon Lucas; at ang Himig Ng Lahi (Season 3) hosted by Pilita Corrales and veteran singer Darius Razon.
Sa news department naman, ipinakilala ang mga program na primetime news tulad ng Mata Ng Agila with news anchors Vic Lima at Emma Tiglao; Eagle News International ni CJ Hirro; at ang morning primetime news na Pambansang Almusal ni Apple David.
Kasama rin sa lineup ang morning magazine show na Relax Ka Lang nina Jan Marini, Ara Mina, at Melissa Ricks at ang docudrama na PARAK ni Victor Neri.
Ongoing na rin ang shooting ng JukeBox King (The Life Story of Victor Wood), na pinagbibidahan ng dating TV5 actor na si Martin Escudero, under EBC Films, ang film arm ng Eagle Broadcasting Corporation.
Ayon sa EBC, asahan nang madaragdagan pa ang line-up ng show nila sa pagdating ng panahon.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio