Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie Red, bilib sa pagiging gentleman ni Tyrone Oneza

Laging nami- misinterpret ang pagiging sensitive ni Dovie Red (dating Dovie San Andres). Well kahit sino naman sigurong tao kapag naloko na ng maraming beses at kahit sobrang bait mo pa ay magiging sensitibo ka talaga lalo na sa iyong emosyon.

Hindi lang misinterpreted si Dovie kundi

biktima rin siya ng paulit-ulit na ‘bashing’ na nilalait ang pagkatao niya. Nagsasawa na rin siyang magmahal sa mga lalaking lagi lang siyang ikinahihiya at itinatago sa publiko at pera lang daw ang totoong intensiyon sa kanya.

Ayon kay Dovie, naiiba raw sa kanila ang idol niyang si Tyrone Oneza na hindi lang gentleman kundi ramdam niyang may malasakit sa kanya. Isa raw si

Tyrone sa nakaaalala sa kanya na kinukumusta siya lalo sa panahon ng pandemya.

Good adviser rin daw ang singer-businessman na sinasabihan siya na huwag pansinin ang kanyang detractors, maging sa kanyang health at lovelife ay concern din sa kanya. Isa pang nagpasaya at nagpa-excite kay Dovie ang promise sa kanya ni Tyrone na kapag nagkita sila sa Filipinas ay ipagluluto siya nito ng kanyang favorite na pansit bihon.

Yes mahusay na cook si Tyrone, na may sariling resto sa Laguna. Paulit-ulit palang pinakikinggan ng controversial social media personality ang awiting pamasko ni Tyrone na “Ikaw Ang Christmas Ko.”

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …