Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

BI-BOD pinakilos na ni Comm. Morente!

POSIBLENG madagdagan ang mga sasampahan ng kaso sa airport lalo pa’t ipinag-utos ni Commissioner Jaime Morente sa bagong pamunuan ng Bureau of Immigration – Board of Discipline (BOD) ang implementasyon ng ‘One Strike Policy’ sa mga empleyado na sasalto sa mga susunod na araw.

Lagot kayo!

Ang one cash ‘este’ One Strike Policy ay bagong direktiba ni Morente upang labanan ang korupsiyon sa hanay ng mga opisyal at kawani sa buong kagawaran.

Sa naturang polisiya, agad mare-relieve sa kasalukuyang posisyon ang isang empleyado kapag naging “subject” ng complaint o reklamo.

‘Matik ba ang ibig sabihin no’n?

Ang BOD ang mangangasiwa sa masusing beripikasyon at pag-aaral kung may sapat na ebidensiya para kasuhan ang isang tiwaling empleyado kahit minsan lang nagkamali.

OMG!

Tiyak na paduduguin kayo ni RPL!?

Batay sa tala ng ahensiya, mula pa noong 2016 ay nasa 131 empleyado ang nasuspendi at nasibak sa magkakaibang kaso sa Bureau.

Matatandaang sinabi ni Commissioner Morente sa unang senate hearing ni Senadora Risa Hontiveros ang kakulangan ng ‘disciplinary powers’ ng BI sa kanilang mga kawani.

Tanging rekomendasyon sa DOJ ang puwede nilang gawin at bahala ang kagawaran na magbigay ng sanction para sa mga lumabag.

Hiling din niya ang karagdagang administrative control sa opisina upang agarang maipatupad ang penalty na ipinataw sa subject person.

Bago nga pala natin malimutan, limang abogado ang naatasan upang humawak sa Board of Discipline. Ito ay pangungunahan ni Philippine Immigration Academy Training Director and current Board of Special Inquiry Chief, Atty. Ronaldo P. Ledesma

Huwaw naman!

Bongga na naman ang career ni RPL.

INASUNTONG IOs,
PUMAPALAG NA!

MARAMI sa Bureau of Immigration (BI) ang nakikisimpatiya sa ilang imiigration officers (IOs) na nadagdag sa report na isinumite ng NBI sa Ombudsman.

Kung susuriin daw ang naturang report, hindi raw sapat na kasuhan ang ilan sa kanila lalo at ang record ng pasahero na involved sa encoding ay hindi naman puwedeng iugnay sa timbre at “Code R” na tinatawag.

Paano kung ‘in good faith’ ang pagkakamali or sakaling wrong admission lang?

Karaniwang nangyayari ‘yan lalo at bago pa ang IO.

Bukod sa screenshot ng cellphone sa viber group kung saan kasama dati si Chiong, may mga IO na isinama sa kaso pero hindi naman talaga kasali sa ‘pastillas scam’ at posibleng napag-utusan lang na i-allow lang ang pasahero komo bisor nila ang nag-utos.

Madalas ay biktima ang mga bagong Primary Officers na hindi pa bihasa sa immigration counter.

Marami ang sumisigaw ng tamang hustisya lang!

Hindi ‘yung itinuro lang, ‘yun na!

Paano nga kung sakali ngang ipatupad ang One Strike Policy na gustong ipatupad ng BOD?

Ibig sabihin ba nito ay ligwak agad ang kawawang IO nang wala man lang proseso?

That’s so absurd!

Masyado nang demoralisado ang buong Bureau, dala ng 2 whistleblowers na lumutang sa senado.

Sa ginagawa nilang pagbanggit ng pangalan ng kahit sino, baka mas bagay na ‘bayong sa ulo’ ang isaklob sa kanila kaysa bullet proof vest na karaniwang nakikita.

Wala tayong naaaninag na katotohanan na pagbabago sa institusyon ang layunin nito kundi pagyurak sa dangal at reputasyon ng ahensiya na minsan ay pinakinabangan din nila.

Bayani ba silang matatawag?

O baka dahil bayaning ‘nabukulan’ lang!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *