Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carlo, inspirado at pasensiyoso na ngayong may anak na

MAS naging inspirado ngayon si Carlo Aquino na magtrabaho dahil sa kanyang anak. Ito ang inamin ng actor sa virtual media conference para sa La Vina Lena na pinagbibidahan ni Erich Gonzales na mapapanood na simula November 14.

Gagampanan ni Carlo ang karakter ni Jordan, ang isa sa tatlong lalaking mabibighani at mapapaibig ni Lena (Erich). Siya ang ang pinakamatalik niyang kaibigan na minamahal siya. Ang dalawa pang lalaki ay sina Adrian (JC De Vera), ang anak ng mortal na kaaway ni Lena, at si Miguel (Kit Thompson), ang lalaking naloko at nakabuntis sa kanya.

Kasama rin ang isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman.

Kuwento ni Carlo kung bakit mas naging inspirado siya ngayon, “Basta noong first time ko siyang makita, ito na ‘yung direksiyon na tatahakin ko na magtatrabaho ako para sa pamilya ko.”

At dahil tatay na siya, mas naging pasensiyoso na siya.

Aniya, “ngayon mas patient na ako. Hindi na ako nagra-rush into things. Kasi sa sobrang tagal minsan naiinip ka may mga hindi ka mahintay.

“Pero ngayon na may baby na, kapag umiiyak ‘yan hindi mo kayang patahanin hindi naman agad tatahan. Kaya kailangan mong maging patient. Hintayin mo ‘yung mood n’yan.

“So feeling ko mas humaba ang pasensiya ko ngayon.

Bale two months pa lang ang ang anak ni Carlo sa kanyang girlfriend na si Trina Candaza at kahit hindi pa masyadong nakakapag-communicate ito sa kanya, nagkakaintindihan na raw sila

Kuwento ni Carlo, “Hindi pa siya masyadong nakikipag-communicate, pero ngayon, this past few days kapag kinakausap ko siya in the morning, may conversation kami. Hinaharot-harot ko siya sa umaga, tumitingin-tingin siya sa akin, may eye contact kami.”

Excited pang paglalahad ng magaling na actor, “sabi nga ni JC sa akin, habang nasa taping kami, na I-cherish ko ang moment na ganito na sobrang baby pa lang niya, sobrang ilang months pa lang siya. Kasi kapag balik na naman namin sa lock-in taping, iba na ang hitsura niya. Malaki na siya, so mas mataba na.

“So cherish lang habang kasama ko siya. ‘Pag tulog siya sa umaga, pinapanood ko lang siya matulog, masaya na ako ng ganoon.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …