Tuesday , May 6 2025

Yorme tiwalang ‘Manila is in good hands’ kay VM Honey

SIGURADO si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang kanyang mga masimulang programa ay ipagpapatuloy ni Vice Mayor Honey Lacuna sa oras na natapos ang kanyang panunungkulan bilang alkalde.

Paniwala ko mauubusan ako ng oras… pero sigurado ako, pagdating ng araw, si  (Vice Mayor) Honey itutuloy ‘yun,” pahayag ni Moreno sa harap ng mga  residente na kanyang binista sa Binondo.

Si Moreno ay puwede pang tumakbong alkalde nang dalawang beses sa oras na matapos ang unang termino sa 2022 na pinapayagan ng Saligang Batas ang isang alkalde na mag-okupa ng opisina hang­gang sa tatlong magkasunod na termino o siyam na taon.

Sa naganap na pagbisita, nagbabala ang alkalde sa mga residente na patuloy na mag-ingat laban sa CoVid-19 at huwag maging pabaya sa health protocols gayondin sa sunog na umuubos rin ng mga ari-arian at buhay.

“Ingatan ninyo ang inyong sarili. Baka ‘di nga kayo nasunog, susunugin naman kayo. Pag nagka-CoVid ka, dalawa lang ang mangyayari — papasok ka nang buo sa ospital, lalabas kang buo; o kaya papasok ka nang buo lalabas kang abo,” seryosong pahayag ni Moreno.

Sa naturang aktibidad, nagpamahagi sina Moreno at  Lacuna ng  P10,000 kada pamilya bilang financial assistance at material assistance na pagkain at kutson sa mga biktima ng sunog.

Kasama nina Mayor Isko at Lacuna sina Congressman Yul Servo at 3rd district councilors na sina Fa Fugoso at Timothy Oliver ‘Tol’ Zarcal at social welfare chief Re Fugoso.

Ayon kay Fugoso, nawalan ng bahay ang may 50 pamilya dahil sa sunog. Apat na beses nang nagkaroon ng sunog sa nasabing lugar simula nang maupo si Isko bilang alkalde.

Kaugnay nito, muling nanawagan ang alkalde na mas maging alerto at mag-ingat dahil apat na beses na nagkaroon ng sunog sa loob ng isang taon sa naturang lugar.

Inianunsiyo rin ni Isko na mula sa pagbibigay ng P10K financial assistance at material assistance sa mga biktima ng sunog ay tutuloy sila ni Lacuna sa ‘Binondominium’ project ng lungsod na magkalaloob ng disenteng tirahan sa mahihirap na residente ng Binondo.

Aniya, nangangarap sila ni Lacuna na isang araw ay wala nang squatters sa Maynila sa ilalim ng kanilang battlecry na ‘Asenso Manileño.’

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *