Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Wanted sa Region 10 rapist na Padre de pamilya arestado sa Maynila

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Provincial Regional Office 10, ang isang

49-anyos tatay na wanted sa Cagayan de Oro City dahil sa panggagahasa sa kanyang sariling anak, kamakalawa ng madaling araw sa Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng MPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamumunuan ni P/Maj. Romeo Anicete, nakalawit ng kanyang mga operatiba ang suspek na kinilalang si Rommel Daytia, checker, residente sa Rodriguez St., cor. Guidote St., Balut, Tondo, Maynila.

Nakatakdang iharap sa Cagayan de Oro Regional Trial Court Branch 19 sa sala ni Presiding Judge Evelyn Gamotin-Nery ang suspek na ksalukuyang nasa kanilang kustodiya ng Manila police habang naghihintay ng order bago dalhin sa CDO City Jail.

Naaresto si Daytia dakong 3:30 am sa harapan ng kanyang bahay sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng Barangay 134 sa Tondo na nakasasakop sa lugar na kinaroroonan ng suspek.

Sa ulat, sinabing ilang ulit pinagsamantalahan ng suspek ang kanyang 16-anyos anak at nang mabuko at naireklamo ay agad tumakas at nagtago sa Maynila noong nakalipas na taon.

Nabatid na nagpalipat-lipat ng tinutuluyang bahay ang suspek na kapwa inispatan ng mga umarestong pulis-Maynila, sa Valenzuela at Balut.

Base sa warrant of arrest, hindi pumayag ang korte na magpiyansa sa kasong incestous rape na isinampa laban sa nasabing ama. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …