Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich Gonzales, gustong makapagbigay ng trabaho (Kaya muling nag-teleserye)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang inirason ni Erich Gonzales kung bakit niya tinanggap ang bagong teleseryeng mapapanood ng publiko sa iWantTFC simula sa Nobyembre 14, ang La Vida Lena. Ito’y para makapagbigay ng trabaho sa mga nawalan na crew at staff na mga taga-ABS-CBN.

Dalawang taon din kasing nagpahinga o hindi gumawa ng teleserye ang aktres after ng tatlong character na ginampanan niya sa The Blood Sisters.

“After ng tatlong character na ginampanan ko, kinailangan ko talagang magre-charge,” aniya. ”And then naging abala ako sa aking business and mayroon din akong You Tube channel and nag-travel din. More on self care ako, which is more important, hindi po natin dapat kalimutan iyon,” paliwanag niya nang tanungin sa isinagawang Zoom Conference ukol sa pinagkaabalahan niya habang walang teleserye.

Bukod sa gustong makapagbigay ng trabaho, sinabi pa ni Erich na magandang proyekto ang La Vida Lena. ”It’s a good project, a good story, good cast. Plus the two directors pa. Isa rin sa reason ko kung bakit ko tinanggap dahil alam kong maraming magkakaroon ng work kapag ginawa ko itong ‘La Vida Lena.’Yung ating production staff, crew. I remember noong first taping day pa lang may mga lumalapit, nagpapasalamat na ginawa natin itong ‘La Vida Lena.’ Iyon naman talaga ang rason.”

Sinabi pa niyang, ”At sino ba naman ang tatanggi sa ganitong proyekto na kasama ko ‘yung magaganda, magagaling na cast and two directors natin.”

Dalawang karakter ang gagampanan ni Erich sa La Vida Lena at sinabi niyang may challenge pa rin sa kanya ang gumawa ng iba’t ibang klase ng role, maging single, dual o tatlo pa ito.

“Oo naman. Noong in-offer nila sa akin itong ‘La Vida Lena’ na ang title noong una eh, ‘Magdalena’ noong binasa ko iyong script, week one pa lang, kumapit na talaga ako sa istorya ni Magdalena and sabi ko, hmm, another challenging role na ipinagkatiwala sa akin kaya tatrabahuhin natin ito.

“With the help of course  ng ating super galing na director, Direk Jojo (Saguin) and Direk Jerry (Lopez-Sineneng) and lahat ng mga kasama ko rito, pinapagaan nila lahat, so smooth lahat sa taping.

Tatlong leading man ang makakapareha ni Erich sa teleseryeng ito. Ito’y sina Carlo Aquino, Kit Thompson, at JC De Vera. Anang aktres, nakatrabaho na niya si JC sa pelikula pero first time sa teleserye gayundin sina Carlo at Kit. Pero hindi naman siya nahirapan dahil, ”lahat ng kasama ko rito magaan, very professional and tulong-tulong  kaming lahat. When its work, trabaho po lahat talaga.”

Samantala, natanong din ang magaling na aktres ukol sa kanyang lovelife, lalo’t open na ito sa kanilang relasyon at minsan nang naipakita sa kanyang Youtube channel. At dahil open na, handa na ba siya sa next level ng kanilang relasyon?

Anang aktres, ”ha ha ha. Basta po ‘pag ready na tayo sa mga ganyang bagay ise-share natin ‘yan.”

Ukol naman sa tanong kung komportable na siyang maging future sister in law si Claudia Barretto na ang boyfriend naman ay kapatid ni Mateo, ”Grabe, ‘wag nating pangunahan ‘yan. Basta pagdating ng tamang panahon, ‘pag andyan na tayo siguro kuwentuhan po tayo uli.”

Makakasama naman nina Erich, JC, Kit, at Carlo ang isang powerhouse cast na kinabibilangan nina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …