Tuesday , December 24 2024

Cong. Yul Servo, binusisi ang kapakanan at 20% discount ng mga atleta at coach

PRIORITY ngayon ng award-winning actor na si Yul Servo ang kanyang trabaho bilang mambabatas ng 3rd District ng Manila.

Although nakilala nang husto ng madla dahil sa kanyang husay bilang aktor, mula nang pumasok sa politika ay ito na ang naging focus ni Yul. Hindi man niya iniwan ang showbiz dahil malapit ito sa kanyang puso, sa tuwina’y laging nakatutok si Yul sa kanyang constituents at sa kanyang trabaho sa kongreso.

Game pa rin ba siyang tumanggap ng mga showbiz project? Ano ang last na ginawa niya?

Tugon ni Yul, “Actually, ang last na project na ginawa ko ay ‘yung serye na My Day (starring Miko Gallardo at Inaki Torres). Bale, guest role lang naman ako roon (bilang dad ng isa sa bida rito)…

“Sa akin naman, kung may darating na offer ay game naman akong tanggapin ito. Basta ang ano ko lang po, dapat po ay maganda talaga iyong role na ino-offer sa akin at swak sa schedule ko.”

Nakabibilib ang Manileñong mambabatas sa sobrang sipag, na kahit hinahati ang oras niya bilang aktor at sa kanyang tungkulin sa House of Representatives, lagi pa rin siyang nag-iikot at personal na nagpupunta sa mga kakabayan niya sa kanyang distrito para alamin ang kalagayan nila, pati na ang lagay ng mga ipinapagawa niyang proyekto.

Si Cong. Yul na kilala rin bilang Rep. John Marvin C. Nieto, chairman ng Youth Committee on Sports and Development ay nagsagawa ng pagdinig noong November 4, 2020 ukol sa pagpapatupad ng RA 10699, ang batas na nagbibigay insentibo sa mga pambansang atleta at coaches.

Sa ginanap na video conference, napag-usapan ang ukol sa pagpapatupad sa 20% diskuwento para sa mga atleta at coaches. Ang nasabing diskuwento ay maaaring magamit sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, mga hotel, restaurants, at mga sentro ng libangan, pagbili ng mga gamot, at kagamitan sa palakasan.

Tinalakay din dito ang scholarships at financial assistance sa mga mag-aaral na manlalaro, benepisyo sa pagreretiro, at tulong sa mga pamilya ng mga namatay na atleta at coaches.

Ipinahayag ni Cong. Yul na isusulong niya ang kapakanan ng lahat ng mga Filipinong atleta.

Saad niya, “Bilang tagapangulo ng Komite, hangad ko na maisulong ang kapakanan ng lahat ng mga Filipinong atleta, miyembro man sila ng “National Training Pool” o baguhan na atleta. Dahil dito, minabuti ko na marinig mismo mula sa ating mga atleta kung may mga isyu sila na nais iparating sa ating Komite,” sambit ni Yul.

“Ating napag alaman na ngayon pa lamang inilabas ang regulasyon para sa diskuwento ng mga atleta at coaches bagamat limang taon na ang RA 10699, kahit sa naunang batas na naipasa noong 2001, ang 20% diskuwento ay nakasaad na rin sa RA 9064,” dagdag ng masipag na mambabatas.

Samantala nalaman din ng kanyang Komite na hindi pa natatanggap ng ilang atletang nagwagi sa 2019 SEA Games ang pinansiyal na insentibo na ipinagkakaloob sa nasabing batas.

“Kung ang pinansiyal na insentibo ang pag-uusapan, sa aking pananaw ay wala dapat maging balakid sa implementasyon nito dahil hindi na ito nangangailangan ng IRR,” wika ni Servo.

Dito’y iminungkahi din ni Chairman Servo na maaaring hingin ng PSC ang tulong ng Philippine Information Agency (PIA) para ipaalam sa publiko ang mga benepisyo para sa mga atleta at coaches na nakapaloob sa RA No. 10699.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *