Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Danny Marquez, pinaghahandaan nang todo ang Balangiga 1901

MATAGAL na pala kay Direk Danny Marquez ang istorya ng pelikulang Balangiga 1901. Weiter pa lang daw siya sa komiks nang i-research niya ito, more or less, dalawa at kalahating dekada na ang nakaraaan.

Pahayag ni Direk, “Siguro, 25 years ago or more pa po nang simulan kong i-research yung Balangiga story. Nag-ipon ako ng mga materyales para sana magamit sa pagsusulat ko sa komiks, dyaryo at magazine.

“Wala sa isip ko noon na makapagsusulat ako sa pelikula dahil parang imposible sa isang katulad ko na walang aral sa pagsusulat ng script ng pelikula. Ganoon pa man, dahil sa lakasan lang ng loob, nagkaroon ako ng break na makapagsulat ng pelikula sa Regal Films sa tulong ni Father Remy Monteverde.”

Patuloy pa niya, “Marami na akong mga unang nakausap para gawin ang balangiga project pero hindi nag-materialize hanggang sa makilala ko ang mga boss ng JF Film Production at sinabing gusto nilang gawin ang Balangiga story at dito na ito nagsimula.”

Ang pelikula ay tatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Franco Miguel, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Chuckie Dreyfuss, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, Nicole Dulalia, Jervy delos Reyes, at iba pa.

Paano niya ide-describe ang pelikulang ito? “Makatotohanan at may-aral na matutunan ang lahat ng makakapanood,” sambit pa ni Direk Danny.

Nabanggit sa presscon nito na P80 milyon ang budget ng pelikula at dito’y ire-recreate nila ang eksaktong Balangiga town noong 1901.

Ayon pa sa direktor ng natural ng pelikula, ang scope nito ay kasing laki ng pelikulang Heneral Luna ni John Arcilla. Kaya kaabang-abang talaga ang pelikulang Balangiga 1901.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …