Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, taga-alis ng stress ni Andrea

ISA si Andrea Torres sa mga celebrity na nagsimula ng kanilang food business sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Inilunsad ni Andrea ang Family Favorites na nag-o-offer ng iba’t ibang Pinoy dishes (but with a twist).

Ikinuwento ni Andrea sa Kapuso Brigade Zoomustahan na tinutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa pag-manage ng kanyang business.

“Natikman niya lahat ‘yon bago ko talaga inilalabas. Kahit itong mga bagong inilabas ko, pinatitikim ko muna sa kanya at saka sa family niya. Kasi every Sunday, may gathering kami. So, dinadala ko roon tapos hinihingi ko nga ‘yung mga reaksiyon nila,” aniya.

Dagdag pa ng Kapuso star, si Derek din ang nakakatulong sa kanyang kumalma tuwing siya ay nai-stress.

“Ako kasi mahilig ako mag-plan ng mga bagay-bagay. Siya ‘yung nagpapaalala sa akin na ‘relax ka lang, okay lang ‘yan’ kasi ako kapag medyo may hindi lang nasunod sa plano, minsan nagpa-panic na ‘ko. Siya ‘yung bumabalanse sa akin.”

Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …