Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wendell, muling magpapakita ng pwet

PWET kung pwet!

 

‘Yan so far, ang naipangako ng sexy actor na si Wendell Ramos sa producer ng Godfather Productions na si Joed Serrano sa gagampanan nitong papel ng katauhan ni Joed sa sisimulan ng shoot ng kanyang life story.

 

Inasikado muna ni Joed ang presscon niya para sa iba pang makakasama ni Sean de Guzman sa una niyang proyektong Anak ng Macho Dancer at saka siya sumegue sa meeting nila ni Wendell.

 

Si Joel Lamangan ang pinagkatiwalaan ni Joed na humawak sa dalawang proyekto. Na ayon nga sa aktor na si Jay Manalo eh, parang pinagsanib na Triple J, with Joed, direk Joel, publicist Jobert Sucaldito at dagdag na siya!

 

Itong buwan ng Nobyembre na isasagawa ang shoot ng Anak ng Macho Dancer na tatampukan din nina Rosanna Roces, Emilio Garcia, Alan Paule, Jaclyn Jose, at si Jay nga.

 

Ikalima pa palang J si Jaclyn kung sakali!

 

Powercast ang Lino Brocka masterpiece na noong 1988, ginampanan ni direk Joel ang papel ng club manager ng gay bar ng mga macho dancer.

 

Lots of new faces will be given their chance to shine sa mga proyektong susugalan ni Joed.

 

Pinangatawanan na nito talaga ang pangako sa sariling itutuloy-tuloy ang pagtulong sa iba. Na habang umaangat siya ay ibinabahagi naman niya ito sa mga taong mangangailangan.

 

Kasado na ang Anak ng Macho Dancer. Ang pangako ng bawat baguhan, sa pangunguna ni Sean ay pagbubutin at gagawin nila ang lahat ng kakailanganin para sa kanilang roles. Kailanganin man nila ang maghubad sa harap ng lente.

 

Inspired! Ganyan lang mailalarawan ni Joed ang sarili sa mga sandaling ito.

 

“Excited din at the same time with the two projects na magsusunod na tapusin. Kaya ko rin naman gustong sa puntong ito na gawin ang lifestory ko, kasi alam ko na marami ang mabibigyan hindi lang ng inspirasyon kundi ng life lessons sa mga dinaanan ko to be where I am now. 

 

“Gagawin din naming fun ni direk Joel. Si Nathan Charles ang gaganap sa katauhan ko. Opening pa lang, puro sex na. Kung paano gagawin ‘yun ni direk, ipinaubaya ko na sa kanya ang creative side ng production. Kasi, may mga hubaran talaga. Hubo’t hubad.”

 

Pokpok with a heart. Ganyan ang sinasabi ng mga malapit sa puso niya kay Joed.

 

“Hindi ko naman itatago ang ako sa mga dinaanan ko. Ngayon na naging maayos ang buhay ko, kaya ko nga ito ise-share through a film eh, bahagi na rin ng pag-give back ko sa mga dapat na matulungan pa.”

 

Ang pagdiskubre ng mga bagong talento sa mga pelikula ng kanyang Godfather Productions ang isang paraan din para ang naging daan niya sa pag-aartista ay mabigyang daan ni Joed sa mga baguhan.

 

“Lahat sila, silang lima, tutulungan ko. Noong ginagawa nga ang script ng lifestory ko, naluha lang ako. Sa mga ginawa ko before. Though, wala akong pinagsisisihan. Kasi, iba-ibang klase ng pagmamahal ‘yun. Mayroon pang-matagalan. Mayriin ding sandali lang. Iba-iba. Mayroong artista. May politiko. May matinee idol. Wala naman tayong sisirain sa kanila. Ipakikita lang ang mga naging consequence niyon sa buhay ko.”

 

Naniniwala si Joed na pinakikinggan ng Panginoon ang mga panalangin niya. Kaya, mas pinipili niya ang lalo pang maging mabuti sa kapwa at maraming tao niya.

 

“Every time I pray and wish for something, nagkaka-totoo. Nakikinig talaga Siya. In His time. Kaya ang pangarap ko, ang hiniling ko when I was 12, dumating when I was 40. Minsan nga, ‘di ko napapansin o naaalala na naibigay na pala niya.”

 

Marami ngang magagandang kuwento ang umiikot sa isip at puso ni Joed.

 

Magma-materialize na ang Anak ng Macho Dancer. Isusunod agad ang lifestory niya, ano kaya ang magiging ikatlo?

 

Producer din siya. Kaya kaya niyang hikayatin si Wendell na magpakita ng pwet sa pelikula niya.

 

Minsan na itong ginawa ni Wendell sa isang undergarment fashion show. And fit pa rin ang form ng aktor hanggang ngayon. Bagay na maging Joed sa pelikula.

 

Abangan na. Ang Anak ng Macho Dancer. At ang tunay na buhay ng gagawa ng nasabing pelikula!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …