Monday , November 18 2024

Rabiya Mateo, Michele Gumabao, at iba pang MUP 2020 winners tumulong sa repacking ng goods para sa typhoon victims sa Bicol

HAPPY ang maraming pageant fans sa muling pagsasama ng Miss Universe Philippines 2020 queens in connection with a charity event.

 

Last November 3, magkakasamang nag-repack ng relief goods sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Ysabella Ysmael (1st runner-up), Michele Gumabao (2nd runner-up), Pauline Amelinckx (3rd runner-up), at Billie Hakenson (4th runner-up) for the victims of Super Typhoon Rolly.

 

Miss Albay Paula Madarieta Ortega and the Frontrow Philippines top executives RS Francisco and Sam Verzosa were also in attendance.

 

Isa ang Albay sa labis na sinalanta ng pinakamalakas na bagyong tumama sa buong mundo.

 

 

Apart from Albay, matindi rin ang pinsala sa Bicol region, Catanduanes, at Batangas.

 

Rabiya shared also on Instagram today, November 4, some pictures of their activity.

 

Her caption reads, “Bangon Bicol because Frontrow cares. Together with my MUPH sisters and Kuya @samverzosa and @rsfrancisco888, we were able to repack thousands of sacks of rice and canned goods for the benefit of the victims of Super Typhoon Rolly in Bicol region.

 

“Babangon at babangon ang Pilipino basta mag kakasama tayong lahat sa anumang hamon ng buhay! #phenomenalwoman #muphxfrontrow #frontrowcares”

 

This is the second activity of the Miss Universe Philippines 2020 Top 5 winners.

 

They were first together at the E-skwela event at the Manila Child Center, Sampaloc, Manila last October 29.

Ikinatutuwa ng publiko ang mga okasyong tulad nito na ipinakikita ng Top 5 winners ang kanilang pagiging solid kahit nabahiran ng kontrobersiya ang pageant results.

Matatandaang hindi dumalo si Michele sa announcement of winners, tanghali ng October 25, a few minutes after the pre-taped grand coronation of the pageant was shown that day.

 

Pinag-usapan ito dahil inisnab supposedly ni Michele ang kanyang second runner-up finish sa pageant.

Later on, inihayag ni Michelle na nagpaalam umano siya kay Miss Universe Philippines Organization (MUPO) creative director Jonas Gaffud na maaga siyang aalis sa Baguio Country Club para umuwi ng Maynila.

Pinayagan naman daw siya nito.

 

Ang ipinagtataka lang daw ni Michele ay bakit hindi naglabas ng pahayag ang organizers in connection with her not attending the announcement of winners.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *