Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dolphy, Eddie Garcia, et al pararangalan ng FDCP sa PPP4

PITONG haligi sa mundo ng showbiz ang bibigyang-pugay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ng chairman nitong si Liza Diño, sa pamamagitan ng Tribute Section sa Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4).

 

Ang pitong yumaong showbiz icons at haligi ng Pelikulang Pilipino ay ang Comedy King na si Dolphy, multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia, award-winning veteran actress na si Anita Linda, actress-singer-producer Armida Siguion Reyna, veteran actress Mona Lisa, Direk Marilou Diaz-Abaya, at Direk Peque Gallaga.

 

Tampok sa Tribute Section ng PPP4 ang mga pelikulang Captain Barbell (restored version) ni Jose ‘Pepe’ Wenceslao (for Dolphy), Deathrow ni Direk Joel Lamangan (for Eddie Garcia), Adela ni Direk Adolfo Alix, Jr. (for Anita Linda), Filipinas by Joel Lamangan (for Armida Siguion-Reyna), Insiang ni Direk Lino Brocka (for Mona Lisa), Muro-Ami ni Direk Marilou Diaz-Abaya (for Marilou Diaz-Abaya), at Sonata by Peque Gallaga and Lore Reyes (for Peque Gallaga).

 

Ang naturang mga pelikula ay kabilang sa halos 200 pelikula na tampok sa PPP4 at mapapanood online sa FDCP channel.ph simula 31 Oktubre. Ayon kay Chair Liza, bukod sa pagtatampok sa kanilang mga pelikula, bibigyan din ng tribute at pagkilala ang pitong pumanaw na haligi ng Pelikulang Pilipino sa isang programa na bahagi rin ng PPP4.

 

Samantala, ang PPP4 ay may subscription options gaya ng Premium Festival Pass (P599) na magbibigay ng access sa lahat ng content, kasama ang Premium films at events.

 

Simula 31 Oktubre, inaalok ng PPP4 ang Half Run Pass (P299), Day Pass (P99), at Free Pass (para sa short films, public events, at iba pang libreng content). Ang persons with disabilities (PWDs) at senior citizens ay makakukuha ng 20% discount at ang mga estudyante ay magkakaroon ng 30% discount.

 

Ang PPP ang flagship event ng FDCP. Ang Event Partners nito ay Glimsol Web & Digital Solutions, Team On Ground, at Dragonpay na official payment gateway ng PPP4. Para sa updates at karagdagang impormasyon, bumisita sa FDCPchannel.ph o facebook.com/FDCPPPP.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …