Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

3 bebot nasakote sa P36-M shabu

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong babaeng high-value individual (HVI) makaraang makompiskahan ng P36 milyong halaga ng shabu sa anti-illegal drug operation nitong Lunes ng gabi sa  Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni P/BGen. Ronnie Montejo, kinilala ang mga suspek na sina Anabel Natividad, a.k.a Anabel Mayol, 52, Teresita Daan, 52, at Riza Aguiton, 43, pawang residente sa Barangay Molino III, Bacoor City, Cavite.

Ayon kay Montejo, dakong 10:45 pm, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Cubao Police Station 7 sa ilalim ni Station Commander P/Maj. Regino Maramag, Jr., at ng kanyang Deputy na si P/Maj. Alejandro Batobalonos kasama ang RID-NCRPO, RSOU PRO-4A at Bacoor City Police Station, ang buy bust laban sa tatlo sa Block 4, Lot 8, Carson Camilla, Barangay Molino III, Bacoor City.

Matapos iabot ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P245,000 sa pulis na nagpanggap na buyer, dinakip na ang tatlo.

Samantala, nagawang makatakas ng isang suspek na si Raffy Aguiton.

Nakuha rin sa mga suspek ang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,040,000 at Ford Raptor, may plakang NFW 3283.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *