NAKATAKDANG isailalim sa lifestyle check ang lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Akala n’yo lusot na kayo ha!
Bakit ‘di unahin ang mga heneral o may matataas na posisyon? Partikular ‘yung mga hepe ng mga riding team.
Mas malakas kumita ang mga hepe ng isang departamento ng pulisya at mga hepe ng intelligence init bukod sa mga anti-vice. Kadalasan may tinatanggap
na intelihensiya ang mga binanggit ko mula sa kung saan-saan bukod pa sa mga sako ng bigas at lingguhang tara.
Ngayon lang medyo tumigil dahil sa pandemya na lahat ay dumaranas ng krisis at walang ilegal na pasugalan, walang mga bukas na nightclub na nagpapalabas ng bold show. Kaya ngayong pandemya, bukod sa gutom ang mga chief of police, siyempre gutom din ang regional directors.
Alam ‘yan ni Senator Ping Lacson at Senator Bato dela Rosa! Kung regional directors busog sa ‘tara,’ PNP chief matik ‘yan! Isama pa natin ang jueteng! Bago mag-pandemic, buhay na buhay sa POGO!
Kaya ‘yung lifestyle check na gagawin sa PNP, baka maging ‘drawing’ lang!
PANAWAGAN KAY MAYOR EMI CALIXTO-RUBIANO
Kasalukuyan ay nire-renovate ang Pasay City Public Market, nasa bahaging fish vendors na ang ginagawa, kaya naman pansamantalang nakapuwesto ang fish vendors sa labas ng gusali ng public market.
Pakiusap naman ng meat vendors, sana raw ay tapusin lang ang buwan ng Disyembre bago gawin ang kanilang lugar, dahil mahihirapan ang kanilang mga suki na hanapin ang kanilang lilipatang lugar sa labas ng palengke.
Ang panawagan ng meat vendors kay Mayora Emi ay bunsod na mas malakas kasi ang kanilang benta kapag dumarating ang panahon ng kapaskuhan.
Dasal ng meat vendors, sana raw ay pakinggan ng Mayora ang kanilang kahilingan.
Pa’no ba ‘yan Mareng Emi, pagbibigyan mo ba ang hiling ng meat vendors na pawang supporters ng pamilya Calixto?
Abangan!
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata