Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Emilio Garcia, nang-iisnab ng work sa showbiz dahil sa mga negosyo

MARAMING proyekto na ang pinalagpas at tinanggihan ni Emilio Garcia dahil sa pagiging abala nito sa kanyang negosyo. Kaya marami ang nagtaka nang makitang present siya sa presscon ng Anak ng Macho Dancer na pagbibidahan ng baguhan at miyembro ng Click V na si Sean de Guzman handog ng The Godfather Productions ni Joed Serrano.

Aminado si Emilio na naiba talaga ang priority niya lately. “Isinugal ko na rin for the future, fall back at nakita ko na at naayos na iyong negosyo kaya andito na ako,” panimula niya. “Ang showbiz mahal ko ‘yan dahil diyan tayo nagsimula. Kaya lang nagkaroon lang ng kaunting problema sa schedule,” dagdag nito.

Paliwanag pa ng actor,“May mga pumasok na offer na hindi ko tinanggap dahil sa schedules. Pero now, maluwag ang November at December sa office at wala ng masyadong trabaho, puro Christmas party na ang pinag-uusapan. So halos tapos na ang trabaho, kaya ok na ok na ako.

Hindi dahil sa ayaw kong tanggapin (work sa showbiz), dumating na talaga ‘yung time na may priority na tayo mas pinili ko lang ‘yun. Hindi dahil sa ayaw ko na. Mahal ko ang acting at gusto ko itong project na ito at kaya tinanggap ko ito ay dahil kasama ko itong mga dati kong kasama sa showbiz like itong si Osang (Rosanna Roces), si Jay (Manalo) na nakakalaro ko sa golf, si Allan (Paule) nakakakuwentuhan ko ‘yan. Kaya masaya. At siyempre dahil kay Direk Joel (Lamangan). At kay Dennis (Evangelista, EP) na walang sawang laging nag-o-offer. Maraming salamat.”

Nasa real state pala si Emilio at nakatsamba sila na maging matagumpay iyon sa loob ng anim na taon. “May restaurant din ako na naitayo at ang pinakabago ay iyong Happy Endings. Pet grooming ito. Noong August lang nagsimula at ito ang resulta ng pandemic na sa kaiisip ng pwedeng inegosyo. Bale mobile pet grooming service siya na pumupunta sa bahay para sa mga pet. Nasa kalye lang siya, mayroon siya sa Laguna at sa Metro Manila.”

At para makita ninyo kung ano ang mga service na ginagawa ng Happy Endings, bisitahin na lang ninyo ang kanilang social media account sa Facebook at Instagram.

Samantala, kasama rin sa Anak ng Macho Dancer sina Jaclyn Jose at William Lorenzo at ngayong Nobyembre na nila sisimulan ang lock-in shooting out of town.

Maricris Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …