Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, naging saksi sa exorcism ng kanilang bahay sa Laguna

NAGTAKA ang viewers ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga last Saturday dahil isa sa choices si Alden Richards.

Eh nang i-reveal ang tanong, isa sa tamang choices si Alden na naging saksi pala sa isang exorcism!

Ayon kay Alden, ang bahay nila sa Laguna ang in-exorcise, huh! Naikuwento na niya ito sa kapwa Dabarkads pero noong Sabado lang niya ito inilabas sa national television.

Sa kuwento niya, nagtaka siya kung bakit natagalan ang workers na tapusin ito. Rason ng manggawa, lagi raw nasisira ang kanilang gamit.

Nasabi ng Asia’s Multimedia Star ang pangyayari pati na kay Father Jeff na chief exorcist priest ng Antipolo Diocese.

Sa rebelasyon ng Kapuso actor, may mga naka-attach daw na evil spirits sa bahay nila. Ipina-renovate lang kasi niya ang biniling bahay at lupa.

“Mabigat sa may master’s bedroom at sa sala. Luckily, nataboy ‘yung evil spirit at maaliwalas na ito ngayon,” sabi pa ni Alden.

Matibay ang pananampalataya si Alden kaya naman sa karanasan niyang ‘yon, naibabahagi niya ang nasaksihan bilang speaker.

Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …