HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Rosanna Roces na sabihing handa siyang magpakita ng suso kapag hiniling ng kanilang director na si Joel Lamangan na gawin iyon para sa pelikula nilang Anak ng Macho Dancer na pagbibidahan ng baguhan at miyembro ng Click V na si Sean de Guzman.
Sa presscon na isinagawa kahapon ng tanghalin sa GameOver, natanong ang aktres kung handa pa rin siyang magpakita ng katawan dahil sexy aktres naman siya.
Diretsang sagot ni Osang (tawag kay Rosanna), “Una sa lahat, artista ako at hindi ako sexy star kundi bold star. Kung ano ang hingin ng role ko, pwede kong ibigay. Kasi tinanggap koi to eh.
“Kaya kapag hiniling ni Direk Joel na ‘bakla ipakita mo suso mo!’ ipakikita ko kung kailangan.”
Hindi rin itinago ni Osang na masaya siya na makasama sa Anak ng Macho Dancer.
“Masaya ako na makasama rito kasi pinag-uusapan pa lang namin itong ‘Anak ng Macho Dancer,’ ni Allan (Paule) noong na kay Adolf kami. Tapos may tumawag sa akin bago magtanghalian, ang may-ari ng Blackwater, sabi niya, sinabihan daw niya si Joel (Serrano) na isama ako sa pelikula, ganoon.
“At lalo akong natuwa nang after ng tawag ni Dennis Evangelista na maganda ‘yung role na ibinigay sa akin. ‘Yung maging nanay ni Sean na asawa ni Allan.
“Kumbaga, three days shoot pero markado ang napunta sa akin (role). Iba ito,” sambit ni Osang.
Sinabi pa ni Osang na kakaiba ang proyektong ito dahil gusto niyang bumawi kay Direk Joel.
“Kailangan kong bumawi kay Direk Joel kasi sumakit ang ulo niya sa akin sa Hustisya, kaya excited akong gawin ito. Kailangan makita niya ang bagong Osang,” paliwanag pa ng aktres na ang tinutukoy na pelikula ay ang pinagbidahan ni Nora Aunor at idinirehe rin ni Lamangan at ipinalabas noong 2014.
Isang smash hit ang Macho Dancer noong 1988 na pinagbidahan ni Allan kasama sina Jaclyn Jose at William Lorenzo na idinirehe ni Lino Brocka.
Sa Anak ng Macho Dancer, kasama rin sina Jaclyn at William gayundin sina Jay Manalo at Emilio Garcia. Ito ay handog ng Godfather Productions ni Joed na isinulat at screenplay ni Henry King Quitain kasama sina Grace Ibuna bilang business consultant, Jobert Sucaldito bilang supervising producer, at Dennis Evangelista bilang Executive Producer.
Maricris Nicasio