Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jervy delos Reyes, big break ang pelikulang Balangiga 1901

AMINADO ang newbie actor na si Jervy delos Reyes na na-overwhelm siya sa ganda ng role na ibinigay sa kanya sa pelikulang Balangiga 1901 ng JF Film Production ni Ms. Jarrimine Fortuna.

Bukod kasi sa malaki ang budget ng pelikula, ang Battle of Balangiga ay isang historic event na itinuturing na one of the bloodiest encounters noong panahon ng Philippine-American war na naganap noong 1899-1902. Dito kinuha ng mga Kano ang tanyag na Balangiga Bells na noon pang 1958 hinihiling na maibalik sa bansa.

Masayang wika ni Jervy, “Sobrang natuwa po ako, ‘di ako makapaniwala, e. Kasi sobrang laking movie nito, tapos historical pa. Kumbaga, para sa mga Pinoy talaga ito.

“Tapos parang na-overwhelm ako kasi unang-una, first movie ko po ito, tapos ganito agad ‘yung naibigay sa aking role. Siyempre ang expected ko po, ‘yung role lang na kumbaga parang ordinaryo lang. Tapos ngayon po nabigyan pa ako ng markado talaga.”

Ano ang role niya sa pelikula? Tugon ni Jervy, “Ako po rito si Pedro Abite, isang Tinyente del Barrio. Tapos, ako po ‘yung isa sa namuno ng isang kompanya, kumbaga isa po ako sa magiging lider ng mga sundalo po na lalaban sa mga Amerikano.”

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Direk Danny Marquez at tatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Mark Neumann, Franco Miguel, Lala Vinzon, Emilio Garcia, Jao Mapa, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Chuckie Dreyfuss, Ramon Christopher, Jeffrey Santos, Rob Sy, Nicole Dulalia, at iba pa.

Ang 21 years old na si Jervy ay isa sa finalists ng Bidaman ng It’s Showtime. Siya ay isa sa talents ng Mannix Carancho Artist and Talent Management kasama sina Miko Gallardo, John Padilla, Johannes Rissler, Daniel Delgado, Rhed Bustamante, Melissa Mendez, at Phiona Raymundo.

Kinuha rin siya ng President at CEO ng Prestige International na si Mannix Carancho at Marketing Director nitong si Amanda Salas bilang endorser ng kanilang produkto.

Nabanggit ni Amanda kung bakit nila kinuhang talent ang guwapitong aktor. “Jervy delos Reyes is a flexible artist, puwede kahit saang role, ‘tsaka makikita mo ‘yung eagerness niya to portray a role para sa isang project. Malaki ang potensiyal ni Jervy para makakuha ng big role, he is hunk at isang host & fitness enthusiast,” nakangiting saad ni Amanda.

Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …