KANDIDATANG taga-Iloilo ang representante ng Pilipinas para sa 2020 Miss Universe. Ito ay si Rabiya Mateo na siyang nakakuha ng titulong Miss Universe Philippines 2020 na ginanap sa Baguio Country Club, Baguio City nitong Linggo ng umaga at masayang ipinasa ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang kanyang korona.
Taob kay Miss Mateo, 24-year-old Filipina-Italian ang 45 kandidata mula sa iba’t ibang bayan ng Pilipinas.
Nagtapos bilang cum laude sa Iloilo Doctors’ College si Rabiya at napabilib niya ang mga hurado sa mga sagot niya.
Ang mga runner-up ay sina Miss Paranaque Maria Ysabella Ysmael (1st); Miss Quezon City Michelle Theresa Gumabao (2nd); Miss Bohol Pauline Amelinckx (3rd), at Miss Cavite Kimberly “Billie” Hakenson (4th).
Ang mga sagot na nagpanalo kay Rabiya ay mula sa tanong ni KC Montero bilang host sa final Q&A. Unang tanong, “If you can create a new paper currency with the image of any Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?”
Sagot ni Rabiya, “If I would be given the chance, I would use the face of Miriam Defensor-Santiago. For those who don’t know, she’s an Ilongga but what I admired about her, she used her knowledge, her voice to serve the country. And I want to be somebody like her, somebody who puts her heart, her passion into action. And after all, she is the best president that we never had.”
Kandidato si Sen. Miriam Santiago (SLN) sa pagka-presidente noong 2016 at biglang pumanaw dahil sa cancer.
Ang ikalawang tanong, “This pandemic has made clear our priorities, essential and non-essential. Where do pageants stand in this time of crisis?”
Say ni Miss Iloilo, “As a candidate I know I’m not only the face of Iloilo City. But I am here, carrying hope and as a symbol of light in the darkest times. And as of the moment, I want to help my community, to use my strength to make an impact. And that is the essence of beauty pageant, it has the power to make a difference.”
Ang mga hurado sa ginanap na Miss Universe Philippines ay sina Miss Universe 2012 1st Runner Up Janine Tugonon, Miss Universe 2013 3rd Runner Up Ariella Arida, Rep. Eric Yap, at Presidential Spokesperson Harry Roque.
Reggee Bonoan