Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino, nae-enjoy ang pagiging producer

HINDI ito ang first time na nag-produce ni Paulo Avelino. Katunayan, mayroon na siyang company, ang WASD Film Production at nauna na niyang ipinrodyus ang Debosyon, I Drank I Love You, at co-producer naman sa Goyo, Ang Batang Heneral.

Aminado si Paulo na nae-enjoy niya ang pagpo-produce at gusto niya ang nakikipag-collaborate.

“Actually gusto ko nga ‘yun kasi gusto ko kasi collaborative lahat lagi. Kumbaga ayokong nagkaka-problema sa set. Kung may problema at least ang dali nilang puwedeng sabihin sa akin. Kung may problema sa script, ang daling sabihin sa akin. Ang daling ayusin lahat. ‘Yun ‘yung gusto kong collaborations.

“ Ayoko ng producer ako, respetuhin niyo ako. Gusto ko parang kaibigan lang talaga ‘yung trato. Tutok ako (na producer) pero hindi naman ‘yung sobrang tutok na na-pe-pressure ‘yung mga tao kasi ayoko rin naman mangyari ‘yun.

“Kumbaga andoon pa rin ‘yung freedom nila for their creative expression of the shots, para sa mga artista, and I’m just there to help and see what I can help with,” sambit ng actor sa virtual conference para sa horror film na Sitsit series na mapapanood simula Oktubre 31 sa iWant TFC streaming service.

Sinabi pa ni Paolo ukol sa pagpo-produce na,“Parang I wanted also a portfolio for my film production kaya itong horror film, ‘Sitsit’, ang start. Tapos sina sir Deo (Endrinal of Dreamscape) rin ang tumutulong at nag-a-advise sa akin dahil medyo mahirap din when it comes to full time na producer. And I thank them for this opportunity we had for iWant.”

Eh bakit naman nag-produce si Paulo ng ganitong pelikula?“I’m amazed by our folklore lalo na noong ginagawa naming ito. Ang dami palang type ng aswang, ang dami talaga at namili na lang kami ng isang pwede naming gawin. Nakakatawa na part na talaga ng ating kultura natin at nakakayaman ito ng kultura natin, it’s very unique,” esplika niya.

Aminado naman ang actor na marami siyang dream project para sa kanyang film outfit. “May mga naka-line up na pero pina-fine-tune pa namin kung paano gagawin dahil hindi madaling mag-shoot ngayon dahil mahirap at nakakatakot sa safety ng lahat at medyo mahal kung susundin ang buong protocols.

“Hinihintay pa na medyo gumaan. As of now, kung mapapansin n’yo yung logo ko WASD Films nasa gaiming side rin ‘yung production. So we also into live production for gaming, ‘yun ang ginagawa ko buong pandemic, para kahit hindi na sila lumabas, nabubuo nila ‘yung productions, isa ‘yun.

“Sa cast and kung anong genre, to follow na lang.”

Ang nakapangingilabot na kababalaghan na sasapitin nina Jake Cuenca at Ivana Alawi sa pagnanasang magkapera at ibigin ang mapapanood sa back-to-back horror films na Sitsit.

Dalawang magkaibang kuwento, ang Scorpio at Aswang tungkol sa dalawang taong mababalot ng kasamaan matapos takasan ang masalimuot nilang mga buhay.

Ang Sitsit ay hango sa mga alamat na kapag sinundan ng isang tao ang misteryosong sitsit ay may mangyayaring masama. Bibigyang diin sa back-to-back movies ang mga elementong Filipino na aswang at gayuma at kung paano nito maaapektuhan ang malalagim na karanasan nina Danny at Joyce.

Idinirehe ni Ato Bautista ang Scorpio, habang ang Aswang ay idinirehe ni Erin Pascual.

 

Maricris Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …